Chapter 7

9 0 0
                                    

Chapter 7

Vincent Villarin is a man of every woman’s fantasies. Gwapo at matalinong lalaki. Plus factor na lamang ang pgiging mayaman nito.

Mula sa pamilya na bumubuhay sa napakaraming negosyo ng bansa. His family is engaged in clothing, shgipping, leisure and recreation type of businesses. Ilan lamang iyon sa mga kompanyang pag aari nila. At dahil bunso sa tatlong magkakapatid, hindi na siya pinilit na hawakan ang negosyo. Nandyan naman ang kanyang kuya kaya hinayaan na siyang gawin ang  hilig niya. Besides, entertainment production is not a bad addition to their league.

At gaya ng problema ng iba. Kahit mayaman pa ay tinatablan ng ganitong dagok ng buhay. Ang krisis ng kalusugan na siya ngayong dinaranas ng kanyang ate.

Sa wakas ay narrating na nila ang private room ng ate ni Vince. Hindi na sila kumatok dahil inaasahan naman ang pagdating ni Vince.

“O, bunso, bakit andito ka?” bati ni Vionna ng bumungad sila sa silid. “Ngayon ang graduation ball mo hindi ba?”

Nadatnan nila roon ang buong pamilya ng binata, kaya naman bigla siyang nakaramdam ng pagkailang.

“Ano ba yang sinsabi mo? Uunahin ko ba ang grad ball sayo?” paglalambing niya sa kapatid at bumati na rin siya sa kanyang mga magulang.

Nangiti naman ang magandang babaeng nakaratay sa kama. “You must be Sid, right?” baling nito ng mapansin siya.

Doon lamang naalala ni Vince na ipakilala siya sa magulang at mga kapatid. Magiliw naman ang mga ito kaya kahit paano ay nabawasan ang kanyang pagkailang.

“Mabuti naman at naipakilala mo ang girlfriend mo sa amin bago man lang ako mawala.” Masigla namang saad nito.

Nais sanang ituwid ni Sid ang maling akala ni Vionna nang biglang mgsalita ang ginang.

“Hija, wag kang magsalita ng ganyan.” Saway niya sa anak.

“Ma, wag niyo nang ilihim sa akin. At least 2 days,right?” pilit pa rin nitong pinagagaan ang loob habang inilalahad ang alam niyang nalalabing sandali niya sa mundo.

Pilit na lang din nilalakasan ng mag anak ang loob.

Tapos na ang visiting hours. Nakauwi na rin ang pamilya ng binata. Pero silang dalawa ay nakaupo sa receiving area ng ospital. Tintantiya niya ang pananahimik ng binata.

“She’s strong, nakakabilib.” Bsag niya sa katahimikan na ang tinutukoy ay si Vionna. Napansin niyang masigla pa rin ito sa kabila ng karamdaman.

Akala niya ay hindi naman ito papansinin ng binata.

“We’ve been to States, at sabi nila wala ng pag asa si ate kaya nagpumilit na lang siyang umuwi na lang dito”.

Halata niya ang pighati nito sa napipintong paglisan ng kanyang kapatid.

“Mas okey na yun, kesa biglaan. I mean, alam kong mahirap tanggapin na maiiwan ka pero…” nasabi lang naman niya iyon base sa experience niya. Bigla kasi silang iniwan ng tatay niya noon.  “Pero kung gusto mong umiyak..” hindi na niya natapos, naisip niyang sino bang lalaki ang gustong umiyak sa harap ng babae. Not this guy na itinuturing niyang karibal. Nabigla na lang siya ng bigla siya nitong hinila at mahigpit na niyakap.

“Pwede bang, wag mo kong iwan?” pagsusumamong bulong nito sa kanya.

“Gawin nating masaya ang mga natitirang oras niya.” Imbes na sagutin ang tanong ay iyan ang tinuran niya.

“Promise me.” Muling hinigpitan ni Vince ang yakap nang hindi siya sagutin ng dalaga.

“Okey. I’ll never leave.” Sa sinabi niyang iyon ay parang inako na rin niya ang responsibilidad na damayan ito. Kahit pa hindi naman sila magkaibigan. Kahit na sinong nasa sitwasyon niya ay daramay siya dahil alam niya kung paano mawalan ng minamahal.

Maayos na ang kalooban ni Vince kaya siya na ang nagmaneho pauwi.

“Good Night!” at nag iwan pa ng damping halik sa pisngi niya natapos siya nitong maihatid sa kanyang tinutuluyan.

Nagulat man ay hindi na siya nakapag reak dahil mabilis na rin itong umalis.

Sinulit nga ang nalalabing oras. Inilabas si Vionna sa ospital at lubos na pinaligaya. Syempre, kasama si Sid, kaya kahit paano ay nakilala niya ang pamilya ni Vince.

At dumating na nga ang wakas ng buhay ni Vionna. Mapayapa itong namaalam. Kahit inaasahan na nila, lubos pa rin ang pighati ng pamilya Villarin.

Gaya ng ipinangako, hindi siya lumayo sa pamilya, lalo na nga sa tabi ni Vince.

Marami rin ang taong nakiramay sa kawalan ng pamilya ni Vince.

You Compete Me, You Complete MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon