CHAPTER FIVE
Isa si Sid sa mangilan ngilang simpleng estudyante sa university. Bilang exclusive school, masusumpunagn dito ang mga batang hindi lang basta may kaya sa buhay kundi mga galing sa prominenteng pamilya.
Hindi naman siya nag alangang pumasok, maganda ang reputasyon nito at mataas ang standards. Marami na kasing sikat na alagad ng Sining ang produkto nito. At bakit nga ba siya alangan. She entered the university as a full scholar at maayos namang provider ang kanyang mga magulang. Siya na lang ang nagiisang nag aaral matapos magpakasal ng kanyang kuya.
A bad thing happened when she was an incoming Third Year. Namatay sa aksidente ang kanyang ama at bilang nagiisang provider ng pamilya, napilay sila financially. ANg benefits na nakuha nito ay sumapat lang sa funeral expenses at panggastos nila. Ang kuya niya ay nakapagbibigay rin kahit paano. Sa tulong ng iba pang kapamilya, nakapag-enroll na rin siya.
Lahat ng barkada niya ay nagaalok ng financial support. What are friends are for? Nagworking student din siya for one year para makaipon. Andyan pa rin naman ang kanyang scholarship at ang mga kaibigan, ito nga’t makakatapos na rin siya.
Maraming expectations after her graduation, at aminado siya na maaaring mahirapan siyang humanap ng trabaho. Nagsisiskap siya para ngayon pa lang ay makagawa na siya ng pangalan para sa araw na lumabas siya ng school premises, magiging in-demand na director siya. That explains her obsession of being on top.
“May kulang pa, wala pa si Direck.” Si Carlo ang nakapansin, paalis na sila nun sa campus.
“Sid, pakitawag na nga siya.” Pakiusap sa kanya ni Ruth
“Ha? Teka, bakit ako?”
“Bakit naman hindi ikaw?” pilyang balik naman ni Ruth.
Sumunod naman siya at pinatulan ang panunubok nito.
..............................
“O, bakit andito ka pa?” tanong niya ng makita ito sa isa sa mga silid.
“How was the ending?” ganting tanong nito at hindi pinansin ang tanong niya.
“Ah, its great, kakaiba, may mga nabitin, pero mas marami ang naka-appreciate.” Professional’s view niyang sabi. “Teka, ikaw ba ang nagpatay ng ilaw?”
Tumango lang si Vince.
“Why the sudden change? Binigla mo kaming lahat”
“So was I.”
Nagtataka na si Sid.
“Maybe I did it for the art’s sake or maybe not.” Pagpapatuloy nito habang papalapit sa kanya. “Or simply because….” Papalapit pa rin. “I want to be the one you’re kissing”.
Huli na para siya mabigla. Sa isang iglap, magkalapat na ang kanilang mga labi. Her first kiss. At dahil unang beses, bago sa kanya ang pakiramdam na ito.
Pero mali ito. Wala silang relasyon at hindi siya papayag na mapaglaruan. Kaya naman tinulak niya ito at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Vince.
“Bastos” yun lang sabay takbo, hinndi na siya lumingon.
Naiwang himas ni Vince ang pisngi. Masakit pero tama lang yun sa ginawa niyang kapangahasan.
Ano bang iniisip ng lalaking iyon? Bakit niya ko hinalikan? Bwisit, kundi lang ako nabigla kanina, itatanong ko talaga, pero wala akong guts. Natatakot din siya sa maaaring isagot nito. Aware kasi siya sa kapusukan ng mga lalaki, maaaring biktima lang siya. Dahil ayon sa kanya, imposibleng gusto siya nito.
“O Sid, buti naisip mo pang bumalik.”si Ruth, hindi niya napansin na nakabalik na pala siya sa grupo. "Nasaan si Vince?"
“Ha? A, eh, hindi ko nakita.” Pagkakaila niya
“I’m here. Sorry, tara na.” si Vince, hindi niya namalayan, kasunod niya ito.
“Alright! Its party time!” excited na sigaw ng lahat.

BINABASA MO ANG
You Compete Me, You Complete Me
Roman d'amourSid's passion is directing and she wants it to be her profession, but she seems to be only next to Vincent Villarin. That's why she is so determined to defeat him and prove that she can also be the best. But how can she compete a person who is not...