Chapter 6
Sa isang sikat na bar sila napdpad. Usual gimikan ng mga may pera. Sanay na rin siya. Masaya ang lahat at nagkakaksundo. Utang ito sa last project nila kaya nag bonding sila ng husto. Masaya na talaga sana siya kung wala lang kissing scene na nangyari kanina.
Parang walang nangyari. E kanina lang ninakawan niya ako ng halik. Sa isip niya habang nakatingin sa nagsasayang si Vince.
“Sobrang saya, magtira naman kayo para sa Grad Ball” sigaw ni Jonard.
Tinigil na lang niya ang pagiisip. Naki enjoy na rin siya. Hindi na kasi importante sa kanila manalo o matalo sa competition. They deserve this to compensate their hardwork. Ito ang kanilang pre-celebration.
Award’s Night- resulta ng kanilang pinaghirapan.
“Best actress for theater play act goes to…..Samantha Irish Dizon of PSA” masigabong palakpakan. Napaka prestigious talaga, binase kasi ang award’s night sa mga Film Festival.
“Sid, ikaw yun” pukaw ni Ruth sa kanyang atensyon kasi naman parang wala siyang narinig.
Hindi naman sa hindi niya narinig, hindi lang talaga kasi siya makapaniwala. Wala kasi siyang bilib sa kanyang pag arte. Sabihin pa, wala rin siyang handang speech pero hindi naman niya nakalimutan ang mga dapat pasalamatan.
Ang best actress award niya ay isa lang sa maraming awards na nahakot ng kanilang team
“And lastly, to a special someone.” Huling linya sa speech ni Vince, ang nagwaging Best Director. Well marami ang nagtaka o siguro nadismaya sa speech niya. Ang sikat na si Vince ay may special someone na. Kung may gusto na pala siya, bakit pa sya nanghahalik? Sa isip ni Sid.
Hindi naman ikinagulat ni Sid ang pagkapanalo niya. Napatunayan niyang karapat dapat ito sa maikling panahon na nagkatrabaho sila. Naisip niya na ibang level na pala talaga ito. Nagdududa na tuloy siya kung malalampasan pa niya ito. Pero maaga pa para siya sumuko.
Graduation Day
Napakabilis lumipas ng panahon. Ang tension ng unang halik niya ay panandaliang nakalimutan dahil na rin sa dami ng inasikaso nila. Ito rin ang unang beses na makikilala niya ang mga magulang ng kanyang mga kaibigan. Sabihin mo pa, lahat ng iyon ay mga sopistikada. At dahil hindi naman sila mayaman, proud pa rin ang kanyang ina cause she graduated with honor. ANg kuya niya ay sumama rin.
Gabi na natapos ang graduation. Nagiyakan sila animo’y hindi na makikitang muli. Pero natural lang iyon dahil simula sa araw na ito, hindi na sila mga estudyante pero patuloy na mananatili sa kanilang ala ala ang PSA.
Sumama muna si Sid pauwi sa kanilang tahanan at nakatakdang bumalik kinabukasan para sa kanilang graduation ball.
Graduation Ball
“Nasaan na ba yun Best Actress natin?” Tanong ni Missy nang magsisimula na ang party wala pa rin ang anino ni Sid. Nasa sikat na hotel sila noon kung saan kasalukuyang ginaganap ang grad ball
“SAbi ko naman kasi sa kanya, sunduin ko na lang siya sa kanila.” Si Jonard bilang pagtugon sa tanong ni Missy.
“Pati nga rin si Direk, wala pa rin.” Singit ni Ruth habang hinahanap si Vince.
“Hindi kaya….magkasama sila?” si Missy
“Ehem, intriga ito.” Makahulugan namang dugtong ni Jonard at Ruth
..............
Mahaba rin ang kanyang byahe. Nagsisi siya tuloy kung bakit tinanggihan niya pa ang alok ni JOnard na sunduin siya, hindi na sana siya nag-commute. Dangan kasing nahiya na rin siya.
Papasok na siya ng hotel nang makitang papalabas naman si Vince. Naisip niyang sundan ito. Bakit nga ba hindi? Ito na ang chance niyang makausap ito ng sarilinan. Til now, hindi pa rin niya nalimot ang nakaw na halik nito.
Nasundan niya ito hanggang parking lot.
“Super late na ba ako, tapos na ba ang party?” sarkastikong tanong niya na nakapagpalingon naman sa binata.
“O, ikaw pala.” Sabi nito nang makita ang nagsalita. “Hindi pa naman, nagsisimula palang siguro.” Sagot na rin nito sa tanong niya. “But I have to go.”
“May problema ba?” nagaaalalalng tanong niya nang mapansin na balisa ang kausap.
Hindi naman ito sumagot dahil hindi na kailangan pa. Nahalata na niya ito ng balisang hindi maipasok ang susi sa pintuan ng sasakyan dahil bahagyang nanginginig ito.
“Sasamahan na kita” hindi na rin siya nakatiis
Hindi naman nakatanggi si Vince lalo pa at kinuha na niya ang susi
“Mukhang hindi mo kayang magmaneho” sabi niya pagkaupo sa driver’s seat. “Don’t worry, may lisensya ako” sabi pa niya bago pa makatutol ang kausap. Nakabili ng owner-type jeep ang kuya niya kaya naman nag aral siyang magmaneho, kumuha na rin siya ng lisensya.
“Saan ba tayo?” tanong niyang muli.
“St. Luke’s” matipid nitong tugon.
Hindi na rin siya nagsalita. Alam naman niya kasi kung saan iyon.

BINABASA MO ANG
You Compete Me, You Complete Me
RomanceSid's passion is directing and she wants it to be her profession, but she seems to be only next to Vincent Villarin. That's why she is so determined to defeat him and prove that she can also be the best. But how can she compete a person who is not...