· · · · ·
xyra
"Okay lang ba?" tanong ko kay Charm na ngayon ay nasa tabi ko.
Nasa CR kami ngayon dahil nag-aayos kami ng mga sarili para sa P.E. class namin mamaya. Wala dapat kaming P.E. subject ngayong araw pero dahil hindi naman kami sisiputin ng isa naming subject teacher ngayong araw kaya lang hiniram ng P.E. teacher namin ang oras na 'yon para isama kaming turuan sa ibang section.
Simula kasi no'ng class orientation namin ay hindi pa namin na-memeet ulit si Sir Salva. Palaging hindi nagtutugma ang schedule namin sa kaniya dahil an' daming mga pangyayari na natatapat sa mismong araw kung kailan ang period niya.
We are just able to meet him once a week according to schedule kaso lang ay palaging natatapat na holiday, suspended o hindi naman kaya ay siya na mismo ang wala dahil sa mga meetings niya like training the varsities of our school.
Tinanguan lang ako ni Charm at pinagpatuloy ang pag-aayos ng ribbon na ipinatong niya sa kaniyang ponytail.
Ibinalik ko naman ang tingin sa sariling pigura na nasa salamin at pinasadahan ang buo kong katawan. Humakbang ako ng isang hakbang paatras para mas lalo kong makita ang hitsura ko. Bahagya pa akong tumalikod sa salamin upang silipin upang maayos ba ang aking likuran.
Nakasuot kami ngayon ng dark gray shirt na P.E. shirt. May maliit na nakasulat sa kaliwang bahagi ng shirt sa harapan at malaking logo naman sa likuran. Ang pang-ibaba naman ay black jogging pants na may yellow lining sa gilid.
I wore my white Fila disruptor shoes para hindi madulas. I am sure na sa court kami mag-P-P.E. ngayon. Madulas doon ayaw ko namang magalusan at magkalat sa harap ng maraming tao.
Baka masabihan pa akong lalampa-lampa. Hindi ko maaatim na sabihan ako ng gano'n ng ibang tao. Hindi ako lampa, 'no?
When I got sure that my fit is already done I look at Charm across the mirror. She's currently applying her sunscreen. Natapos ko nang ilagay ang sa akin kanina pa kaya pinuntahan ko na si Linzy na nakatambay sa tapat at nakadantay sa railings.
Ang buhok niya ay nakatali ng parang sa amin rin ni Charm. Tinatangay ng hangin ang mga maliliit na hibla ng kaniyang buhok. Malakas ang hangin na sumasalubong sa amin dahil narito kami sa third floor ng new building. Marami na kasing tao kanina sa second floor kaya pumunta na kami rito.
Hindi ko na pinansin pa ang pagkawala ng side bangs ko na pinakaayos ko pa man din kanina sa harapan ng salamin at tinabihan na lamang si Linzy na ngayon ay nakadantay ang dalawang braso sa bakal na pahaba sa itaas ng sementadong harang.
Nasa ibaba na ang iba naming kaklase at nagsisimula nang magkulitan. Ang ibang mga babaeng kaklase namin ay nasa ilalim ng puno at nakaupo sa iisang sementadong upuan na naroroon habang ang iba ay nakaupo sa hagdan sa baba.
Karamihan sa mga lalaking mga kaklase namin ay nilalaro na ang bolang hindi ko alam kung saan nila nakuha. Sangkot rin si Sage na pasan-pasan na ang napakalikot na si Jerome na isa rin sa mga kaklase namin. Sinasadya talaga iyon para pahirapan si Sage magbuhat.
Hanggang dito sa taas ay rinig na rinig namin ang mga reklamo at ang mga pangmumura ni Sage kay Jerome dahil napakalikot niya at nawawalan ng balanse si Sage habang buhat siya.
"Rome, tangina, umayos ka nga!" hirap na sigaw ni Sage. "Bibitawan kita, 'tamo! Ay, puta!"
May iba na ring mga estudyante roon sa kabilang part. 'Yon na siguro ang mga makakasama namin mula sa ibang section.

YOU ARE READING
Found You
RomanceNetizen 1 of 4 In finding the right guy, you must know the one and only rule: He must be a FOUNDER. If he's not, he's rejected. R13+ novel © aribahaghari 2022 (in progress)