finding... 14

15 1 0
                                    

· · · · ·

xyra

"My brother knows that it is him, as well?" I asked in a raised voice. 

Eya slowly nodded at my question while pouring some juice in a glass. She, then, slid the glass in front of me and poured another for herself. 

I looked down at the juice she gave me. I am going crazy. Wala akong kaalam-alam na kuya niya ang lalaking 'yon. At ang mas malala ay ako lang ang hindi nakakakilala sa kuya niya. 

Well, I know that Eya has a brother, too! But I didn't have a chance to meet him at least once. It is not my fault, right?

I let out another sigh before holding out the glass and drinking the juice from it. I can't believe the embarassment I just got.

After that guy—who turned out to be her brother, walked out, hindi na kami umalis rito sa gazebo. Nahihiya na akong pumunta sa bahay nila after ng nangyari kanina. 

Kaya heto ngayon kami at nakatambay pa rin dito sa gazebo na 'to—Crystal Bloom, kung tawagin ni Eya. For some people raw na hindi makaintindi sa kaniya, free spot na lang. 

Dito na kami tumambay at dito ko na rin ipinapaliwanag ang lahat sa kaniya. 'Yon na pala si Kuya Ron na sinasabi ni Mom. Hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin noon dahil excited akong isipin na makikita ko na si Eya. 

Imbis na siya ang mag-prepare ng mga pagkain namin ay nagpakuha na lang sila sa maid nila. Ayaw niya naman daw akong iwan at ayaw ko ring magpaiwan, 'no? 

Baka mamaya bumalik 'yung kuya niya at magkita uli kami. Mahirap na. Hindi ko alam ang gagawin ko!

Hindi ko talaga ine-expect na kapatid 'yon ng babaeng 'to. I swear to all of the goddesses that are watching me right now. I have no idea! 

Hindi sila magkamukha! Parehas lang sila ng kutis at kulay ng balat pero kahit saan ko tingnan, hindi sila mukhang magkapatid. 

I am not saying na hindi maganda si Eya at hindi gwapo 'yung kuya niya, a? Ang akin lang ay iba ang itsura nila sa isa't isa. Ibang-iba!

Matapos uminom ay ibinaba ko ang baso sa table at naglabas muli ng isang mabigat na buntonghininga. 

"Pero okay lang naman 'yon, hindi naman nagtatanim ng sama ng loob ang kuya ko. Hindi naman 'yon sanggano," komento pa niya. "Baka nga inaasar ka lang no'n kaya nag-walk out."

"Asar? Me?" I pointed to myself. Inaasar niya lang ako sa lagay na 'yon?

The lady answered with her brows. "Mapang-asar talaga 'yon. Minsan nga gusto ko na 'yong itulak diyan, e." Ngumuso siya sa taniman nila ng mga bulaklak. 

Pababa ang taniman nila dahil ito ay nasa mataas na lugar. Kung tutuusin, kung ako si Eya ay magiging free spot ko rin siguro ang lugar na 'to dahil sa ganda ng view. 

Paniguradong maganda at kitang-kita mo ang sunrise at ang sunset mula rito. Idagdag mo pa na napaliligiran ka ng magagandang bulaklak na tiyak kapag humangin ay hahalimuyak sa pang-amoy mo dahil sariwa naman ang hangin rito. 

Kita ko rin ang bundok nila mula rito. Hindi man alam 'yung bundok na 'yon pero ang ganda pa rin ng view. This is not like any other cities that are full of skyscrapers. 

Found YouWhere stories live. Discover now