Firefly 3 | Bellflower

56 5 24
                                    

Never pick a flower
you can't take care of.
Till your love last,
let it bloom.
—heba nazar
‧⋆.*ೃ༄₊

L O R I E

Binisita ni Emma ang panaginip ko. Nakatayo ako noon sa gitna ng tulay na walang railing sa magkabilang gilid. Ihip ng hangin ay wala dahil hindi gumagalaw ang usok na binabalot ang paligid. Wala ring kahit na anong kulay ang kapaligiran. Mula sa dulo ng direksyon kung nasaan nakatingin ang mga mata ko, naroroon si Emma, nakatayo't nakatigil lang habang suot ang mahabang puting bestida na lumalaylay sa sahig. Mas nangibabaw ang kagustuhan kong puntahan at lapitan siya kumpara sa takot dahil sa hindi pangkaraniwang tagpong kinabibilangan naming dalawa. Kapuwa kami nakatingin sa isa't isa kahit pa malayo ang agwat na mayroon kami. Nilalamig ako, ngunit hindi na alintana iyon dahil pinanghawakan ko pa rin 'yong pagnanais kong maabot at mahawakan siya. Noong mga sandaling tumalikod siya sa akin at magsimulang maglakad, doon na umusbong ang takot at pangambang unti-unting namumuo sa dibdib ko. Palayo siya nang palayo hanggang sa maglaho siya sa makapal na usok. Nang mawala siya, mas humaba ang dulo ng tulay at naging walang katapusan.

Mabigat ang hamog noong unang araw ko sa bayan ng Jericho. Hindi na bago sa akin ang gumising sa umaga na ganoon ang sitwasyon, nag-iba lang naman ang kapaligiran ko simula nang mag-isa na akong mamuhay sa sentro ng Fawnbrook. It's still the same situation, just in unfamiliar territory. At sa sobrang pagod ko sa haba ng biyahe kahapon, hindi na ako namahay at binawi na lang ang pahingang gusto ng katawan ko.

Lumabas ako ng kuwarto at nag-ikot sa guesthouse—tipikal na bahay-tuluyan na naliligiran ng liblib na kapunuan. Sapat ang kuwarto para sa mga bisita na para bang isang malaking boarding house. Walang kahit na sino akong nadatnan sa sala, sa kusina o sa labas. Masyado pa yatang maaga. Paggising ko kanina ay wala na si Yuyu sa kuwarto kaya kabilang ang paghahanap ko sa kanya ang paggagala ko sa buong lugar. Tama ang kuwento ni Martin noong nasa sasakyan kaming dalawa patungo rito, na luma na talaga ang guesthouse—na tinitirhan nila at pansamantalang tutuluyan ko—pero hindi maiaalis ang ganda at makalumang interior ng buong bahay. A traditional loft style with a cottage-core aesthetic. And I was surprised by how visually appealing and antiquated the items were. Iba rin ang amoy sa loob at maging sa labas, tunay na probinsya ang sariwang hanging umiikot sa paligid.

Wala si Yuyu kahit saan ako magpunta. Noong inakyat ko ng tingin ang hagdan paitaas, sa hindi mawaring dahilan ay biglang binalot ang dibdib ko ng kaba. Hindi iyon dulot ng takot, tila ba mayroong humaharang sa akin na huwag akyatin ang ikalawang palapag ng guesthouse. Ipinagtataka ko lang kung bakit ganoon na lang ang klase ng naging pakiramdam ko. Nagsisimula na ba akong mamahay? Napailing-iling ako.

Mas nagtagal ako sa sala nang muli akong magawi roon. Manghang-mangha pa rin ako sa antique na antique na mga kagamitan. Mayroon akong nakitang lumang gramophone at typewriter na magkatabing nakapatong sa isang maliit na mesa na kasapakat ang silya sa ilalim. May malapad na aparador bago ang bintana na matatanaw ang front lawn ng guesthouse kung saan nasa loob niyon ang koleksiyon ng mga babasaging pigurin. Sa kabilang bahagi naman, mamamataan ang fireplace at sa itaas niyon ay may frame ng painting ng isang lalaki na nakadamit ng lumang pormal na kasuotan noong araw. Kasalungat niyon ay makikita ang pupitreng may vintage sand timer, maliit na antique mirror glass at candle holder sa ibabaw habang ang mamahaling bilog na wall clock sa itaas niyon ay kapansin-pansin lalo na ang mga numero ay romano. May mga halaman din sa bawat sulok na nasa magandang mga paso. However, I had observed that all tabletops had one thing in common: every picture frame was either facing down or blank. Produkto nito ay ang paglukot ng noo ko. Nagulumihanan. Nilapitan ko iyon dahil naiintriga akong iangat ang isa sa mga nakatumbang picture frame at—

West to the Firefly LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon