Firefly 4 | Sandalwood

33 4 17
                                    

L O R I E

Maaga pa rin akong nagising sa sumunod na araw. Hindi man tulad noong nakaraang gabi ay hindi agad ako dinalaw ng antok.

Pagkatapos naming maghapunan nina Martin at Yosef kagabi, nagkulong na agad ako sa kuwarto at nagbasa-basa ng libro upang magpalipas ng oras. Hindi ko na rin inabot ang alas diyes kung saan ay mawawalan ng kuryente, siguro bago pa iyon mangyari ay nagsisimula na ang paghimbing ng tulog ko.

Nag-inat muna ako pagkatapos ayusin ang aking higaan saka nagtungo sa tapat ng salamin at pinagmasdan ang aking sarili habang sinusuklay ang haba ng aking buhok. Pagkapusod ko ay napansin ko si Yuyu na natutulog sa may doormat. Pinakain siya ni Teren kagabi, ano kaya ang sinabi no'n sa pusa? Perwisyo ang idinulot ni Yuyu sa kanya, 'tapos nagawa niya itong pakainin?

Pagkalabas ko sa sala, gusto kong gumawa nang gumawa sa loob ng guesthouse, isang bagay; ang maglinis. Magtanggal ng mga alikabok, magpunas ng mga bintana o magligpit. Gusto kong diligan ang mga halaman o tumpukin ang basura at ilabas. Iniisip ko pa lang, nalilimitahan na agad akong pagkaabalahan ang lahat ng iyon dahil kay Martin. Ayon sa kanya, wala akong kahit na anong dapat na gawin maliban na lang kung iutos niya o ipakiusap. Kung mayroon mang lugar na libre akong makialam, iyon ay sa kusina at ang kusina lamang. Itinuturing niya akong bisita at hindi gawain ng isang bisita ang maglinis o magsilbi gaya nang gusto kong mangyari.

That early in the morning, Martin prepared a cheese tray and cooked a pumpkin flower omelet. Hindi ko na inaasahang sasabay sa amin si Teren dahil hindi pala iyon madalas mag-almusal. Ang sabi ni Martin, kung hindi pa iyon tulog, malamang ay nasa paanan na ng bundok ang lalaking iyon upang maglakad-lakad o maglibot. Kahit gaano pa raw kalamig ang panahon, hindi alintana iyon para kay Teren.

Dalawa lang kami ni Martin na pinagsaluhan ang agahang inihain niya. Ako na ang nagboluntaryong gumawa ng mainit na black tea upang maging sapat ang lakas sa maghapon. Wala si Yosef dahil may sinat na agad ko namang pinuntahan sa kanyang kuwarto pagkatapos mag-almusal. Payapa siyang natutulog habang akap-akap ang elephanteng laruan na binili ko para sa kanya kahapon. Sinubukan na ni Martin na painumin siya ng gamot upang bumaba ang mainit na temperaturang namumuo sa katawan ng bata. Sakitin daw talaga si Yosef, mabilis dapuan ng sipon at ubo dahil sa mahinang resistensiya. Sanay na si Martin kung paano asikasuhin ang bata, kung may indahin man ito, kabisado na niya ang gagawin.

Gusto ni Martin na manatili na lang sa guesthouse at huwag na munang buksan ang lumang rentahan ng mga damit dahil kay Yosef. Nanghihinayang lang ako sa maaaring kikitain niya kung kaya ko namang bantayan ang bata.

"Sigurado ka, Lorie?" Tumingin sa akin si Martin.

Tinanguan ko siyang may maliit na ngiti sa mga labi. Hindi na bago sa akin ang mag-alaga ng may sakit, madalas ko nang alagaan si Emma noon, walang pinagkaiba 'yon kung ako ang magbabantay. At hindi na niya kailangang ibilin sa akin iyon dahil anu't ano pa man, ako na ang titingin kay Yosef. Wala naman akong ibang gagawin bukod sa libutin ang paligid ng guesthouse at ipamilyar ang aking sarili sa labas.

Sa loob ng ilang saglit ay nagising na si Yosef, medyo nanghihinang napabangon ng upo sa kama. Agad akong nagtungo sa kanya.

"Hello..." kumaway ako sa kanya at sinubukang ipanghawa ang malapad na ngiti ko.

"Ate, nasaan si Martin?" Luminga-linga ang bata at sinuri ang labas sa nakaawang na pinto ng kuwarto na tila hindi pa ganoon kagising ang diwa.

"Nagpunta na siya sa shop. Ako na muna ang mag-aalaga sa 'yo hanggang sa makabalik siya. May gusto ka ba?"

Humigpit ang kapit niya sa elepanteng stuffed animal. "Si Kuya Teren," banggit niya. "Ate, puwede bang papuntahin mo rito si Kuya?" Yosef sounded frail in his voice. Pumupungay ang mga mata niya.

West to the Firefly LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon