Firefly 11 | Woodwind

28 2 4
                                    

T E R E N

Malamig at mababa pa ang hamog noong umagang pinagmamasdan ko ang matataas na kapunuan sa likod na bahagi ng guesthouse. Kahit kulang ako sa tulog, kapayapaan pa rin ang naibibigay sa akin ng umagang iyon na mas pinaganda pa ng kombinasyon ng mga huni ng ibon, banayad na hangin at amoy ng mamasa-masang lupa.

Habang maingat kong hawak ang plauta sa kamay at naghahanda para sa saglit na ensayo, mabilis namang umukilkil muli sa isipan ko ang nangyari kahapon. I gave Lorie the roses and drove her home. I know how much she cherishes it. And when the night fell, we ate dinner together with Yosef and Martin, following a good conversation between me and Lorie as we talked about the highlights of our day yesterday until it became late. Iyon din yata ang dahilan kung bakit hindi agad ako nakatulog kanina at maganda pa rin ang gising ngayong umaga kahit na hindi buo ang tulog at pahinga.

Pahapyaw akong tumingin sa aking likuran. Kalahating gulat ang naging reaksyon ko nang makita si Lorie na nakatayo roon. It happened at the same time as the fog casually lifting. Mas nababanaag ko ang kabuoan niya habang naglalaho ang hamog sa paligid na mas pinatitindi ng liwanag ng araw sa umaga. Nakasuot pa rin siya ng kanyang pantulog.

Mabilis na umukit ang maliit na ngiti sa aking mga labi. She's just standing there meters away from me, her hands resting on both sides of her. Lumapit ako, saka nawala ang ngiti sa akin na napalitan ng pagtataka. Bakas sa mukha niya ang linya ng mga luha sa pisngi at medyo namumugtong mga mata, tila ba katatapos lang niya sa pag-iyak.

Salubong ang aking mga kilay. "Umiiyak ka ba?" mahinahon kong tanong.

And then I put one gentle hand up to cup her face. I did not hesitate. I gingerly wiped away the traces of her tears.

"Bakit? May problema ba?" usisa ko sa pangalawang beses.

Pinagmamasdan ko lang siya. Hindi siya umiimik. Her eyes were lost while keeping her sob. Para siyang naalimpungatan ng gising at maihahalintulad sa isang batang namulat na mag-isa, na walang kasama.

Sa kanyang likuran, sumungaw si Martin sa nakaawang na pinto, nagtataka rin sa ikinikilos ni Lorie.

I just let it pass. Hindi ko siya pinilit na magsalita bagkus ay hinawakan ko ang kamay niya, naglakad-lakad at dinala siya sa toolshed. Doon, inilabas ko ang papag sa may bukana saka ipinagtimpla siya ng tsaa upang makatulong na pakalmahin at gisingin lalo nito nang tuluyan ang kanyang diwa. Sa sandali ring iyon, nagkaroon ako ng tsansang muli siyang kumustahin o tanungin kung ano ang nangyari.

Nakakapanibago ang pagiging tahimik niya. Iyong tipong kahit anong gawin ko, 'di talaga siya iimik.

Panandaliang naghari sa amin ang katahimikan. Ilang minuto rin kaming magkatabing nakaupo lang sa ibabaw ng papag habang nakatanaw sa paligid ng toolshed. Wala akong ideya kung paano mapuputol ang sandaling walang imikan hanggang—

"Pasensya na," aniya, hindi ko inaasahan.

Mahinahon akong napapitlag. Nangiti ako sa tabi niya. "Kung may bumabagabag man sa 'yo puwede mong sabihin sa akin kahit ano baka-sakaling matulungan kita."

Tumingin ako sa 'king gilid kung nasaan siya. Nanatili lang siyang nakatingin sa direksyon sa kanyang harap.

"Hindi ko lang talaga maiwasang hindi maalala ang buhay ko noon kasama si Emma. Iyong likod na bahagi ng guesthouse kung saan matatanaw ang kapunuan na madalas kong mapagmasdan mula sa bintana ng aking k'warto, ganoong-ganoon ang hitsura at tanawin sa likod ng maliit na tirahan namin noon, lalo na 'pag umuulan. Ilang beses na ring binisita ni Emma ang panaginip ko, kaya hindi ko maialis sa akin ang maalala at ma-miss siya nang sobra." Pagkatapos ay malalim siyang huminga. "Huwag mo na akong pansinin, siguro ngayon lang 'to, masasanay rin ako 'pag lumaon." Sumulyap siya sa akin na malambot ang mga ngiti.

West to the Firefly LaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon