His name is professor Gojo Satoru or shall I say, that is what I call him as they look exactly alike. His real name is Ethan Ueto, our substitute teacher who had a rare condition of what people know as albinism.
Half Japanese at half British si prof at kamukhang-kamukha niya talaga si Kento Yamazaki na very white version with white hair and lashes pero 'yong mata niya, royal blue.
Sobrang perfect niya talaga kaya maraming mga estudyante ang nahuhulaming sa kanya. Pati nga mga lalaki, nababading bigla. Multi-talented din kasi si prof. Plus 1000+ points pa ang kanyang katalinuhan.
Gusto ko rin sanang magpapansin sa kanya gaya ng iba pero kasi Physics and Chemistry teacher namin siya at kung maghilig ka naman talagang ipakyu ng tadhana, kulelat ako sa mga subjects na 'yon.
Kahit ano'ng klaseng aral at dasal gawin ko, bumabagsak talaga ako. Nagpatayo na nga ako ng altar at lahat, wala parin.
Kapag talaga, ako napuno, picture na ni prof sunod kong dadasalan with all the rituals kek.
"Pumutok na ata hypothalamus ko. Wala na akong maintindihan." Ngiwi ko nalang saka dahan-dahang sumandal.
Natawa nalang sina Caisa at Rina habang si Therese naman, tahimik lang na nagbabasa ng manga.
"Ilang minuto ka pa nga lang nababasa diyan tas ganyan na agad?" Nguso ni Cai sabay abot sa akin ng Snow Bear. Kinuha ko agad ito saka isinubo ng hindi binabalatan.
"Sige! Lunukin mo na rin kaya ng makompleto kalokohan mo?" Aniya Rina.
Muntikan ko na talagang lunukin ng makita ko si prof na pumasok sa library kung saan kami ngayon.
"Where's miss Kimmy?" Tanong niya sa student assistant na naka toka sa desk.
Hindi agad ito nakasagot. Ilang beses pa siyang napalunok habang tinititigan si prof.
"Ay maharot talaga 'yang si Jona." Puna ko agad sabay irap.
"Nagsalita ang hindi." Tatawa-tawang sabi ni Cai. "Obviously, gusto mo rin si prof. Kaya ka nga nag-aaral 'di ba?"
"Ay ang ju-judgemental nga naman talaga ng mga kaibigan ko." Umiling-iling ako. "Sino ba namang hindi magkakagusto diyan kay prof? Kahit nga siguro lesbian, mababalik-puso para sa kanya. 'Wag mong sabihing hindi ka nahuhumaling sa kanya, Cai?"
"Oh bakit ako? Kayo lang naman ni Rina nag-uusap diyan."
"'Wag natin siyang isali, masyado nang maissue buhay niya aray ko po!" Hiya ko nalang ang sipain niya paa ko sa ilalim ng table.
"Wala na ako diyan. May anak na ako't nagsusumikap akong matustusan mga kailangan niya. Naibuhos ko na rin sa anak ko lahat ng pagmamahal ko kaya wala na akong maihaharot."
"Ang seryus mo naman." Nguso ko. "Eh, ikaw ba, Rin?" Baling ko nalang kay Rina at agad itong umiling.
"Super attractive talaga si prof pero may jowa na ako kaya pass ahaha."
Napairap nalang ako't sunod na tumingin kay Therese pero parang 'di man lang niya kami naririnig at seryoso parin siyang nagbabasa ng manga.
"Igalaw mo ang baso, Therese." Pagbibiro ko saka ulit tinignan si prof na ngayo'y kausap na si miss Kimmy, English teacher namin.
Pakiramdam ko tuloy kumulo dugo ko. Aside kasi na bubwesit ako sa mukha niya, halata ring palihim niyang hinaharot si Prof.
"Wala na, finish na." Panunukso ni Rina nang mapansin niyang ilang beses ko nang naihampas sa pader si miss Kimmy sa aking imahinathyon.
"Tigilan mo nga kasi 'yan, Zel. Bawal magka relasyon teacher at estudyante, uy. Dalawa kayong matatalsik dito sa school, ge ka."
"Second year naman na tayo, eh. Two years nalang, pwede na." Masaya kong sabi.
BINABASA MO ANG
OneShot Compilation
FantasyPresenting a curated collection of my high school narratives from 2013, this compilation includes entries that, while they may not have garnered accolades in competitions, hold a special place in my creative journey. These stories reflect moments of...