[11] Dear You, Pakyu : Dear You #2 (TagLish)

10 3 0
                                    

Dear you,

They said words are beautiful and to express them, one must move its lips into a rhythmic manner. I wanted to do that, I really do, pero pinigilan ko ang sarili ko kasi ayaw kong magmukhang kaawa-awa sa paningin mo at sa paningin ko sa sarili ko.

So, this time, I'm letting myself type whatever's inside my mind and heart. Bahala na si Batman, total sa kanya naman ipinapaubaya lahat ng undecided decisions.

It has been a long time ago since I rejected you for the first time and kept rejecting you sa loob ng limang taon. But do I deserve this kind of pain from you? No, I think I don't, because you deserved to be rejected again and again kasi isa kang cheater. Oo, maderpaker. Ang kapal ng mukha mong gawin akong option!

But yes, alam kong tanga parin ako kasi after five years of rejecting you, bumabalik-balik ka parin sa akin kaya naisipan kong why not bigyan ka ng chance total nag e-effort ka naman. Ang bobo pala ng desisyon na 'yon kasi sa loob pala ng limang taon mong pagsuyo sa akin, kayo parin pala ng girlfriend mo. Gwapo mo naman, sana pala kunin ka nalang na angel ni Lord sa heaven.

So, ayon. Naghiwalay din naman kayo and you still kept on contacting me at dahil marupok ako minsan, inopen ko slight ang sarili ko sayo. May nalalaman ka pang "let's get to know each other again first", tapos malaman-laman ko nalang na nabuntis mo pala ex mong hayop ka!

Teka lang! Inom lang ako ng tubig at parang hina-highblood ulit ako.

Okay, I'm back.

So, ayo'n nga.

"To save my job, I have to marry her". Quote and quote 'yan kasi alam kong feeling mo hero ka diyan, pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako nasaktan sa ginawa mo sa akin, nasaktan ako sa ginawa ko sa sarili ko kasi alam kong manganganib ako sayo pero itinuloy ko parin.

Yes, you married her and I have no objections with that and you know for a fact na hindi rin naman ako magluluksa na nawala ka, 'di ba? And yes, I received all your messages before and after you got married.

"I love you so much. Goodbye. Until next life, my kryptonite," mo lelang mo! Alam mo ba na tawang-tawa ako habang binabasa 'yan kasi ang corny? Hindi mo ako madadaan sa melodrama style mo kasi nababasa't napapanuod ko 'yan palagi sa movies. I thought it would feel different kasi galing sayo-ay oo. Different pala talaga kasi nakakapangilabot!

One thing's for sure, mahal parin ako ni Lord kahit isa ako sa mga nagpapasakit ng ulo niya araw-araw. Why? Kasi hindi Niya ako hinayaan na makapiling ka, na maging tayo kasi alam Niya na mag che-cheat ka ulit like what you are doing now-still contacting me despite already married.

If it happens na ako 'yong naikasal sayo, baka naulol na ako ngayon kasi never akong mapapanatag knowing that my husband is a known cheater.

Kasali din ba sa achievements mo 'yong pag ch-cheat? Like may quota din ba kayong mga cheater kung ilan ang side-chick niyo every month? May bonus ba kayo every pay day kapag marami kayong nadadagdag sa list niyo?

Wala lang. Tanong ko lang. Pero alam ko namang hindi mo 'yan masasagot kapag itinanong ko pa sayo kasi alam mo na, baka may pinermahan kayong Confidentiality Contract kung saang kampon ka man miyembro.

Hindi ka ba naaawa sa asawa mo? I asked you that the last time we talked because you insisted. May nalalaman ka pang, "I owe you an explanation", kaya pumayag ako para tigilan mo na ako. Sarap mo lang talagang basagan ng platito sa noo nang magtanda ka kasi 'yong sagot mo, nakakatanga!

Seryoso ka na talaga sa buhay mo? Hindi na ba talaga 'yan mahihilot ng New Year's resolution? Baka nabinat ka lang, o kaya'y nalipasan ng gutom? O baka na-engkanto ka na talaga at nagawa mo pa talaga akong sisihin sa mga katarantaduhan mo?

Na kung sana sinagot kita years ago, hindi na tayo umabot sa ganito.

Siraulo ka ba? Hindi ko na alam kung masamang hangin lang ba pumasok diyan sa kokote mo o masamang espiritu na, eh. Sana tumino ka na. Ang tanda-tanda mo na, jusko.

Aaminin ko na. Oo, nasaktan naman talaga ako ng kaunti. Ewan ko, alam ko namang mangyayari 'to pero naniwala parin ako. Kasalanan ko 'yon. I take full responsibility of my actions. Feeling ko rin kasi, hero ako sa part na 'yan hmp!

You might didn't mean to hurt me, but you did and I also didn't mean to trust you, but I still did. Crazy things we do for love, indeed, o kung love ba talaga 'yon o guni-guni ko lang din.

Kahit hindi mo na itanong, alam mong masaya ako. Kung sino rin kasi ang masnakakakilala sa akin, ikaw 'yon. We were best friends bago pa nangyari lahat nang 'to kaya sa lahat ng mga sinabi mo, alam ko kung saan do'n ang totoo't hindi and yes, you proved to me that I am indeed your greatest love.

Hindi man tayo ang naging end game, gusto kong malaman mong, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil do'n charot. Pero seryoso na, sana naman magbago ka na. Mahalin mo ng buo 'yong asawa mo kasi alam natin parehas na siya lang ang magmamahal at magpapauto sayo habang buhay-charot ulit.

Pero totoo naman kasi 'yon, 'di ba? She forgave you and gave you lots and lots of chances, because she believes na may pag-asa ka pang magbago para sa kanya at sa pamilyang bubuohin niyo ng magkasama. Ganyan ka niya kamahal. Kasi kung ako 'yong nasa posisyon niya't ilang ulit mo rin akong niloko, baka pang 5th death anniversary mo na ngayong taon.

Nasasaktan parin naman ako kapag nakikinig ako sa kanta ni Katy Perry na, "The One that Got Away". Sabi niya kasi do'n, "In another life, I would be your girl", eh. Sometimes, 'yon 'yong naiisip ko. Nakaka-emote 'yon. Pero kung totoo man ang other life, mas pipiliin kong 'wag na tayong magkita-na 'wag na tayong magkakilala.

Alam kong napakalaki ng chance na mabasa mo 'to kasi naka-stalk ka naman sa lahat ng accounts ko kaya sana namnamin mo mga sinabi ko. Marami pa akong gustong sabihin talaga pero I've already made peace with the fact na niloko mo ako at hanggang dito nalang talaga tayo.

Until then,

Your Kryptonite

OneShot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon