Bukang-liwayway

20 1 0
                                    

Ikaw sa Umaga

O, hindi ba't kay sayang tignan?
Tayong dalawa sa ilalim ng maliwanag na buwan;
Ang mga mata ko sa 'yo at mga mata mo sa kalawakan.
Pinagmamasdan ko ang taglay mong kagandahan
na simula pa noong una akin nang hinangaan.

Sa kung anong kinatahimik ng aking labi, ang siyang
kinaingay ng pintig ng aking pusong tila ba nagpupumiglas;
Nais kong sabihin sa 'yo: mahal kita, mamahalin kita, walang wakas.

Ang paningin kong kulay abo, nagsusumiklab sa tuwing
nasisilayan ngiti mong nakakahumaling, hindi ako
puwedeng magising, hindi ito panaginip; subalit
datapuwa't hindi rin ito reyalidad—kailan ka ba darating?

Muli? Sa huli, isa kang kabanata, pero nais kong balikan;
Handa akong hindi ituloy, handa akong hindi tapusin
ang libro kong mawawalan ng saysay kung ikaw sa
akin ay mawawalay.

Ang pagkakataon na ito, hindi sasayangin,
Higpitan ang hawak sa pulang pisi na nakatali?
Umiikot sa 'yo, aking sinundan... at dinala ako nito
Sa 'yo at sa ibang tao.

Tumingala't pumikit- humiling sa sansinukob
Na sa pagmulat ko'y ikaw ang bukang-liwayway.

Gunita at HarayaWhere stories live. Discover now