Gunita sa Pangungulila

8 0 0
                                    

Gunita sa Pangungulila

Gunita, umaalon ang buhok mong tila ba karagatan. Humahampas sa baybayin, nang aking tanawin ang ngiti mong bumubuhay sa akin; ang malabong paningin nagiging kasing linaw ng mga mata ng lawin sa tuwing siya'y nagmamasid ng mga tanawin.

Hinahanap-hanap ko'y kislap ng iyong mga mata sa tuwing aking pagmamasdan, ako ay nalulunod sa kailaliman ng sansinukob kung saan nakapalibot sa akin ang mga bituing nagnining-ning kagaya ng iyong kariktan.

Ikaw ang tala, ang buwan at ang liwanag sa karimlan. Ibigay mo sa akin ang iyong kamay, higpit kong hahawakan at hindi bibitawan, huwag ka lamang lumisan.

At ngayon ngang ako ay umahon, nalagpasan pati ang rumaragasang alon, kasabay ang pag-ihip ng hangin, ang imahe mo'y naglaho at naging ngiping-leon-kung saan paitaas ang iyong direksiyon.

Sa sandaling ako ay pumikit, mga alaala mo ang sumiklab na parang apoy na nagniningas. Nararamdaman mo ba ang silakbo ng aking damdamin, sinta?

Sa muli nating pagkikita, maari ko bang hilingin na huwag ka nang mawala?

Sa pagkakataong masilayan kong muli ang iyong matatamis na ngiti, wala nang paggunita... sapagkat mangyayaring hindi na muli bubuksan ang aking mga mata.

Gunita at HarayaWhere stories live. Discover now