Self-training

137 12 1
                                    


Nang sumunod na araw.

"Hey Takamiya-sempai, give me your food!" parang bata na utos ni Sakuragi habang hinihila ng dalawang kamay niya ang damit ni Takamiya at sumubok magsalita ng english.

"Ayaw!"mabilis na sagot ni Takamiya.

" Akina!! Ang damot mo naman sempai!"

"Madamot kung madamot, pero di ko parin ito ibibigay! Atsaka bakit ba lagi mo na lang ako inaagawan!" Inis na sabi ni Takamiya na nagtatago pa rin ang sarili sa likod nila Uhkuso at Noma.

"Wala rin naman silbi yang pagtatago mo tabachoy kaya tigilan mo na ang pag gamit samin ni Noma bilang shield mo!" Inis na komento ni Uhkuso.

"Oo nga Takamiya, mahiya ka naman namumula na ang mga kamay ni Hanna kakahila sayo."pagsasang-ayon naman ni Noma sa kanya.

" Tigilan mo nga ako manong! Kahit na ba mukhang babae yan si Sakuragi. Hindi niya ako mauuto sa pang-aagaw ng pagkain ko, never!" matapat na pagsasalaysay naman ni Takamiya na tumabla sa mga pangongosensya nilang dalawa.

"Ano ba tabachoy! Tinawag na nga kita na Sempai tapos ayaw mo ba mamigay. Aba, Umaaboso ka na!!!"sabat na ni Sakuragi na kanina pa nagpipigil umpogin ang ulo ni Takamiya.

Kung hindi lang sana sa paalala ni Mito sa sitwasyon nila ay sigurado na kahapon pala ay nabisto na sila sa buong sekreto nila.

Ang nanyari kasi kahapon kaya nagtagal sina Mito sa pagbalik sa basketball court ay dahil nasa Principal office sila upang ipaliwanag ang dahilan ng pagkakawala nila ng matagal. Kasama si Sakuragi na kinuwestyon din ang biglang pagsulpot at hindi pagpapakita ng sumunod na araw. Marami sila ipinaliwanag at inayos para makabalik muli sa pag-aaral, dahil kung hindi siya maghahabol ay maaaring i-drop sila sa mga absences nila.

Sa panig naman ng kwento kay Sakuragi at sa babae na nahuli ng ibang meyembro ng basketball team sa club room ay kinailangan nilang gawan pa ng palusot at kwento para hindi na lumaki ang gulo. Napaliwanag na magkapatid sina Sakuragi at Hanna. Ang saglit na pag-aaral ni Hanna dito sa Shohoku bilang kapalit ni Sakuragi ay nagawan na nila ng paraan sa tulong ng kaibigan ni Minami na nakaalam na ng sitwasyon nila Mito na isa rin palang kilalang professor ng bansa. Kaya nakapasend kaagad ng fax ang Tokyo National High School para sa request nito sa administration na solid naman na pinagbigyan kaagad. Habang ang rason kung bakit wala si Sakuragi ay dahil sa Allergy nito na lumala daw sa hindi malaman na dahilan. Kaya kinailangan pa ulit bumalik sa hospital at maobserbahan hanggang sa gumaling na ito.

Si Mito naman ay nagising ni Hanna (Sakuragi) nang mabangga niya ito. malalim kasi siya na nag-iisip ng mga paraan para sa susunod na mga araw na puro problema rin.

Naalala na niya tuloy na muntikan na sila mahuli kaagad nang makabalik sila sa gym kahapon.

~~~Flashback~~~

Pagod at puro buntonghininga ang mga nagawa na lang nila Mito nang makalabas sila sa Prinsipal Office at patungo na sa gym.

" bakit ba tayo na momoblema ngayon? Parang dati naman hindi natin pinoproblema ang kahit anong bagay."panimula ni Noma na napabuntong-hininga ulit.

"Korek ka dyan, bakit kasi laging problema na lang. Dati nga kahit na nag-cucutting klases tayo di naman tayo ganito pinahirapan ng mga teacher."dagdag pa ni Uhkuso.

" Bumagsak na sa lahat-lahat ng subject ay okay pa rin tayo. Ngayon tuloy nagugutom na ako sa stress na hatid nito"-hindi mapigilan magkomento ni Takamiya.

"Tsk! Tumigil na nga kayo lahat! Baka nakakalimutan ninyo kaibigan parin natin si Hanamichi kaya huwag na kayo magreklamo dyan. Noong nga may mga problema tayo tanging siya lang ang tao na handa tayo tulongan ng wala kapalit. Tapos kayo puro reklamo. Bilisan ninyo na baka may nanyari na doon kay Sakuragi sa pagkakataon na ito."pahayag naman ni Mito na nagpatahimik sa tatlo pa niyang kaibigan.

Dunk Your Way (Slamdunk~Sakuragi Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon