Hanamichi Sakuragi (part 1.)

186 16 2
                                    


Si Hanamichi Sakuragi ay nag-iisang anak na lalaki ng isang multi-million dollar tycoon ng bansa. Maliban pa doon, sinasabi rin na galing sa prominenteng pamilya ng mga Hayashi ang kaniyang Ina. Sa limang magkakapatid, tatlong ate niya ay malayo ang edad sa kaniya, at may sarili-rili  nang propesyon. Ang isa pa niya ate na si Hinako ang tanging malapit ang edad sa niya at isang college student sa Tokyo university. Lahat ng kapatid niya ay may mga sariling pinakilalang pangalan sa industrya man o sa edukasyon. Kaya bilang nag-iisang anak na lalaki ay kinakailangan nito sumunod sa yapak ng nakakatanda sa kanya, dahil siya rin ang inaasahan ng lahat na susunod na maghahawak ng lahat ng ari-arian ng kanilang pamilya.Ine-expect ng lahat na magiging magaling siya sa lahat ng bagay. Sa larangang man ng pag-aaral, industrya ng media o kung hindi naman ay sa business world.

Sa edad na 5, pinamulat na ang lahat ng bagay sa isip ng isang mosmos na bata.  Ang mga batas na sinusunod ng pamilyang Hayashi. Ang discipline, proper etiquette, speaking communication, business attended personality at higit sa lahat ay ang family principles at motto.

Kung sa iba ay mukhang normal at nakakamangha ang pagiging talentado ng mga Hayashi. Ngunit, sa likod ng katanyagan at mga perpektong buhay na kinakainggitan ng lahat. Puno naman ng takot, pighati, karahasan at kompetensya ang siyang nagpapatuloy na lumalaganap sa buong kabahayanan ng pamilya ni Sakuragi, sa kadahilanan na para mahubog ang tunay na pagiging Hayashi nila.

Sa batang pangangatawan, si Sakuragi ang siya mas labis na napwersa upang habolin ang mga kapatid na simula pagkasilang niya ay may matatayog nang pangalan. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi kailanman nagtanong o nagreklamo si Sakuragi sa mga bagay pinapagawa sa kaniya. Kahit laging nakakatanggap siya ng kaparusahan kapag hindi maganda ang resulta ng mga ito.

Nakilala at unang nakita lamang ni Sakuragi ang lahat ng kapatid niya noong 7 taong gulang na siya. Pinakilala siya sa lahat bilang bunso at nag-iisang anak na lalaki na lumaki sa pangangalaga ng kaniyang mga Lolo't Lola. Sa panahon na ito, buong pag-aakala ng batang Sakuragi na mas magiging masaya at madali na ang buhay niya matapos makilala ang buong pamilya niya. Ipinangako ito ng kaniya Lolo na makikilala niya lang kung susundin niya lahat ng ipinapagawa nila sa kaniya ng walang reklamo. Kung kaya't hindi niya inaasahan ang naging pakikitungon ng lahat sa kaniya na ibang  iba sa puno ng galak at pagmamalaki ng kaniyang ama nang makita siya.

No one welcome him as his father did. No one talk or even throw some glimpse to him. Barely  some clapped from announcing he's appearance in front of everyone. Faking as healthy family as possible in the eye of media... Without knowing the truth, Sakuragi faces more worst than what he experienced before. Little did he know that he would probably never wish to encounter these people in his life.

Dunk Your Way (Slamdunk~Sakuragi Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon