The Visit

131 12 2
                                    

"Sawakita!? Anong ginagawa mo dito?"

Nagtataka at gulat na pahayag ni Miyagi nang makita ang Ace ng Sannoh sa court nila. Nakatingin ang lahat sa estraherong kumausap sa coach nila. At nang madigest ang sinabing ni Miyagi ay doon lamang nila nakilala ang presensya na kanina pa nila kasama.

Hindi tuloy mapigilan na magsibulongan at pagkwentohan ang nasabing tao.

"Woah.. Diba yan yung ace player ng Sannoh?"

"Ang number one daw sa Distrito ng Akita."

"Sino kaya ang pinuntahan niya dito"

"Naku, sigurado si Rukawa na yon. Sila lang naman ang nagkatapat noon sa Interhigh."

"Bumisita lang, gusto ko rin kasi makipaglaro kay Rukawa ng one on one."sagot ni Eiji Sawakita na tila ba natural lang iyon sa kaniya gawin.

Marami tuloy ang nag assume kung gaano na ba talaga ka-close ang dalawang Ace player para magawa pumunta ni Sawakita dito sa Shohoku. Dagdag pa ang katotohanan na parehas sila na nagpakitang gilas sa lahat at pinatunayan ang pagiging Ace player nila. Kaya na sisigurado nila na nagkikita ang mga ito sa labas ng court upang ipagpatuloy ang rivalry nilang dalawa. Pero tila wala lang iyon para kay Rukawa, ayon na din sa ipinapakita nitong kilos na hindi manlang tumingin sa bisita niya. Nahintay tuloy ang lahat sa ano ang susunod na mangyayari. Kung hindi lang tumawa si Coach Anzai at inahayag na manood ng praktis si Sawakita ay hindi pa maguumpisa mag praktis ang lahat.

Habang nagpa-praktis ay hindi parin mabura sa isipan ng iba ang kaalaman na kanilang nalaman mula kay Coach Anzai at kung anong koneksyon nito sa kameyembro nila. Si Sawakita naman ay nanghinayang na hindi man lang nasagot ang tanong niya sapagkat kinakailangan na nung Shohoku magpraktis. Kaya ipinangako nito na subokan na lang pagtanongan ang taong involve sa sitwasyon. Lalo na't parang mga pamilyar ito.

Dahil sa mabilis na pagbabago ng  interest ng lahat minabuti na lang ni Hanna na manahimik sa nalaman niya tungkol sa mga kapatid. At nagdesisyon na lang na pumunta na lang locker room para magpalit na ng damit ng walang nakakapansin.

~~~

Practice break...

" Akala ko ba magi-stay ka na sa America at wala ka nang planong bumalik pa dito sa Japan."biglang kausap ni Rukawa kay Sawakita matapos uminom.

"Wala nabo-bored na ako doon, at saka may gusto ako hanapin kaya bumalik ako."tugon nito habang nakatingin pa sa ibang meyembro ng Shohoku.

"Ano naman konek non sa pagpunta mo dito sakin? Hanapan ba ako ng nawawala?" Sarkastikong sagot naman ni Rukawa sa kanya.

"Grabe, hindi ka man lang ba na concern or nakukuryos pre?"–Sawakita

"Hindi"–Rukawa

"Ang sama."–Sawakita

"Gong-gong, huwag ka nga maginarte. Sasabihin mo ba or hindi?"–Rukawa

"Hindi! Makagong-gong ka interesado ka rin pala sus palusot.com talaga"–Sawakita

"Oh di wag"–(bored)Rukawa

"Seryoso, kaya siguro wala ka pang nagiging girlfriend dahil ang pangit mo kausap."pang-aasar na tugon naman ng kausap niya.

"Inaano kita, makadamay ka ng girlfriend ng may girlfriend."

"Tignan mo ito, oh lakas maka pagreact kala mo natatamaan. Tama na nga, ang pagiging madaldal nagiging sadista ka na"-pangaasar na sambit nito kay Rukawa at sa huli ay nagsisi dahil biglang pananahimik ng kausap.

Dunk Your Way (Slamdunk~Sakuragi Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon