The Arrival

302 16 1
                                    


(Akagi P.O.V)

"Team! Assemble!" sigaw ko sa buong Shohoko team.

" Rukawa ikaw muna yung magbantay sa ilalim. Dahil mukhang hindi kaya makipag sabayan ni Yamamoto kala Fukuda at Sendoh sa pagkuha ng rebound."

Bilin ko kay Rukawa ng mapansin na hindi makakuha ng rebound si Yamamoto at ilan beses pa na aagawan. Malaki si Yamamoto na meroon tangkad na 201 cm pero ang powersa na kinakailangan para daigin ang ilang player ng Ryonan ay di pa niya kaya. Kung kay Koshino ay kaya pa niya pero kala Fukuda at Sendoh ay hindi pa niya kaya.

Kung nandito lang yung ugas na si Sakuragi ay makikita niya ang dapat niya gawin. Walang silbi lang talaga yang gung-gung na yan ngayon kung kailan kailangan siya atsaka siya wala. Sila ni Rukawa ang pinaka malakas na offensa ng team na dapat ay sumusupporta sa mga freshmen. Kaso wala siya, Praktis game pa naman sa Ryonan. At na nonood ang ibang player katulad nina Maki at Fujima na kasama ang ilan kagrupo nila dahil inaasahan ang pagbabalik niya matapos yung laban sa Sannoh.

"Miyagi ikaw na bahala sa laban patunayan mo ikaw yung bagong Captain kala Sendoh. Let's go team!"

"Uoh!!" Sigaw nila.

Nagsibalik na sila sa game. Ako ang humahalili ngayon sa team dahil wala si Coach. At pumayag naman kami nina Mitsuhi at Kogure dahil hindi pa naman busy gaano sa College.

Dito sa sariling ground ng Shohoku na ganap yung laban. At kaya marami rami rin ang nanonood sa gilid or sa magkabilang dulo. Nagtataka na nga rin ako bakit wala rin yung kampun ni Sakuragi simula ng di rin siya pumapasok. Kahit sa room nila ay wala siya at hindi rin pumapasok, dahil nga wala yung tropa niya hindi man lang nakapunta sa bahay nila na kahit sino ay hindi alam.

....

Masasabing parehas na gumaling ang parehong kupunan. Wala man si Sakuragi ay hindi nagpatalo ang Shohoku team sa pangunguna ni Rukawa. Pero hindi rin nag pahuli ang grupo nila Sendoh sa pangunguna niya bilang point guard at ang humahalili sa kanya ay si Fukuda.

Walang mintis na nagsasalitan si Sendoh at Fukuda sa paglaban sa buong Shohoku kaya pagud ang buong team lalo na si Rukawa na parehas na binabantayan si Sendoh at ang rebound.

At bago matapos ang first half at nag shot si Sendoh ng three points na nagpalamang sa kanila.

Pagkashot ay tumabog muna sa lapag yung bola at sinalo ng kung sino na nasaharap nito.

"Yo!"

Seryosong sabi nito pagkababa ng hood na nagtatakip ng kalahati ng mukha niya..

....

(Third P.O.V)

Marami ang nagulat pero mas maraming rin galit kung bakit ngayon lang nagpakita si Sakuragi na mahigit dalawang buwan na nawala.

"Sakuragi!!"sigaw ni Hioichi na nagpagising sa mga aura ng boung first team ng Shohoku.

Kutos, batok at sipa ang mga inabot niya sa buong Shohoku. At puro sigaw ng reklamo si Sakuragi na akala mo kanina ay nagbago na sa pagiging seryoso.

"Uy-uy! Tama na! Aray! Sabing tama na eh!" Reklamo nito.

"Wait nga lang! Grabe kayo sa henyong ito ha! Akala ninyo ba hindi nababawasan yung strategies ko dahil sa kakabatok ninyo! Hmp!"

"Atsaka sino-sino ba itong nakikisali rin sa batok sakin ha! Naghahanap ba kayo ng away!?"

Pero nakatanggap lang siya ng pinakamasakit na batok galing kay Gori.

"Gung-gong ka talaga Sakuragi! At ano pa ba yang pinagsasabi mo ha? Bigla-bigla ka na lang nawala ng dalawa buwan tapos ano?!"

Napagalitan tuloy ng matindi si Sakuragi ni Gori. At nabalitaan na hindi pa rin ito nagpapakita kay Coach Anzai.
Marami tuloy ang napagusapan si Sakuragi lalo na sa mga Freshmen na ngayon lang harap-harapn na kilala at nakita ng malapitan si Sakuragi.

Dunk Your Way (Slamdunk~Sakuragi Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon