Akagi knows everything...

201 13 9
                                    

Sabi nila,

Malalaman mo na lang talaga na may halaga ka sa isang tao, kung handa nilang kabisadohin at alamin ang lahat ng pag-uugali mo. Kahit pasaway at basag-ulo ka, hindi ka nila iiwan at tatanggapin parin bilang kaibigan o. Dahil, hindi mag aaksaya ng kahit kunting oras ang taong may ayaw sayo.

....

Takenori Akagi, o mas kilala ng lahat bilang Akagi, the former captain and Center of Shohoku Basketball team. At kilala din bilang Gori /Gorilla na laging nickname na itinatawag ni Hanamichi Sakuragi. And older brother ni Haruko Akagi na dating crush ni Sakuragi.

~~~~~

   "Haruko, matanong nga kita. Papaano ninyo ba nakilala at nakita itong si Sakuragi kanina?"

"Huh? Kuya hindi ko naman nakita si Sakuragi kanina."

"Gonggong ka din talaga, yung tinutukoy ko ay yung unggoy—este yung sinasabi ni Mito na kapatid ni Sakuragi."

"Ah! Si Hanna ba yung tinutukoy mo kuya?"

"Malamang, sino pa ba yung ibang Sakuragi maliman sa unggoy na si Hanamichi."

"Grabe ka naman kuya, hindi naman gaano kamukha ni Sakuragi yung unggoy. Kahit siga-siga at maloko si Sakuragi, malaki parin ang pinagbago niya at talaga naman na nag-improve na siya."

"Huwag na huwag mong ipaparinig yan sa unggoy na iyon kundi malilintikan na. Lalo lang lalaki ang ulo non at magyayabang ng walang tigil."

"Nakakatawa ka talaga kuya, hindi naman siguro magiging ganon si Sakuragi."

"Akala mo lang yon."

" Pero syempre mas malaki na ang inimprove ng Mahal ko. Nakita mo yon kuya kanina, ang ganda-ganda ng pagkakagawa niyang dunk! Tila sa isang panaginip ang kanyang datingan at sobrang gwapo talaga niya!"pagpapaliwanag ni Haruko na nauwi sa pag-fa-fangirl sa kanyang boyfriend.

"Hay naku, napunta na naman ang usapan kay Rukawa. Naging magboyfriend-girlfriend nga kayo pero wala naman gaano improvement sa interactions sa isa't isa. May tiwala naman ako dyan kay Rukawa pero, nag-uusap pa ba kayo ng matino?" Nag-aalalang tanong ni Akagi sa kapatid.

"Ano ba naman yang tanong na iyan kuya, syempre naman. Kahit naman nagkakahiyaan kami ay maayos naman ang samahan namin. Sadyang hindi pa rin ako makapaniwala na kami na talaga ngayon."

"Wow, after 6 months hindi ka parin makapaniwala sa lagay na iyan? Lakas talaga ng tama mo kay Rukawa."

"Hindi naman. Wait nga pala kuya, bakit mo pala naitanong kung papaano namin nakilala si Hanna. Hindi ba't kinikwento na nila Ayako sa inyo ang nangyari sa locker room?"-nagugulohan tanong ni Haruko sa kapatid.

"Naikwento nga, pero hindi naman naging malinaw kung papaano ninyo nakita si Hanna sa Locker room. Nabanggit lang nila sakin ay nangielam si Hanna sa locker nilang lahat kaya sira-sira ang mga podlock at pinto nito. Matapos non ay dumating na daw kayo at naabotan siya na kinukuwestyon yung babae. Tama ba?"

"Sa totoo lang kuya, dumating kami doon ni Ayako dahil sa narinig na namin ang sigaw ni Hanna. Mas mabilis naman na bungadan ang sitwasyon kung saan parehas nahawakan na nila si Hanna habang umiiyak ito. Mula sa nakita namin ni Ayako. Pinagalitan ni Ayako silang lahat. Dahil kahit alam naman natin na may rason sila para gawin iyon, hindi parin tama na icorner nila si Hanna habang umiiyak ito."-pagsasalaysay nila sa buong pangyayari.

"Kung gayon ay hindi kayo ang unang nakakita kay Hanna?"-tanong naman ni Akagi.

"Ang sabi nila Miyagi si Rukawa daw kuya ang una nakakita. Dahil hinabol daw ni Rukawa si Hanna mula sa pinto ng cr papunta sa kanila. At simula doon ay tinatanong na daw papaanong nakapasok si Hanna sa locker room ng team."—dagdag pa ni Haruko.

Dunk Your Way (Slamdunk~Sakuragi Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon