"Shine!" sigaw ng kaibigan kong si Love at agad akong napalingon sa likuran ko, nag mamadali syang tumatakbo at tumigil naman ako sa pag lakad para mahintay sya.
"Bakit kaba humahangos ha?" natatawang tanong ko at sabay na kaming pumasok, pareho kaming third year college ngunit magkaiba ang kurso namin. Archi ang kinuha ko at sya naman ay psychology, iisa lang ang alam kong dahilan nya kung bakit sya nag psych.
"Para sa sarili ko" yun ang sabi nya sakin nung sabay kaming nag enroll.
"Patingin nga ako ng plates mo" sabi nya at natatawa akong binigay sa kanya ang plates ko, napa wow sya at napailing naman ako "Nako te! Di ako mag sasawang mamangha sa ganda ng mga drawing mo shuta ka!" at inisa isa ang mga papel na hawak nya.
Nag paalam na kami ni Love sa isa't isa at sinabing mamaya nalang kami mag kikita. kasama sila Rian, Millie at Silka. Balak kasi ata nilang kumain sa labas at gusto ko rin sumama nakakabagot din kaya na puro aral lang ako at baka mag tampo nanaman sila kasi lagi akong pass sa mga gala nila.
Pagkapasok ko sa classroom naming ay wala pa ang prof kaya nag buklat muna ako ng libro na pwedeng basahin, ayoko naman na masayang lang ang oras ko sa kaka cellphone tulad ng iba kong ka blockmates.
Nagulat ako ng may biglang marahas na umupo sa tabi ko at tinignan ko ng masama si Harry na pawis na pawis at hinihingal pa, nag peace sign sya sa akin at bumalik na'ko sa pag babasa.
Galing sya sa trabaho.
"Bakit ka nag babasa? May quiz ba?" tanong ni harry sa akin at umiling naman ako, naramdaman ko namang unti unti nyang hinihila ang plates ko na nadadaganan ng libro na binabasa ko kaya naman napalingon ako sa kanya "Tingin, please!" pag-papa cute nya at binigay ko naman sa kanya, sinara ko muna ang libro na binabasa ko at tinignan sya.
"Yung iyo nasaan?" tanong ko at may dinukot sya sa loob ng bag nya, umiling naman ako para iparating na diko iyon titignan.
"Ganda huhu, ako kulang pa ng isa dahil hassle sa resto bar na pinapasukan ko. Alas tres na'ko nakatulog dahil may nag birthday pa kagabi" paliwanag nya at nakikinig naman ako sa kwento nya. Magkaklase kami ni Harriette Lou since first year college, at talaga namang inakala nila Lovely noon na lalake sya dahil sa pangalan nya di nila alam na palayaw lang talaga nya ang Harry.
"Tapos eto pa, diba? Kagabi? May nag birthday?" sabi nya at tango lang ako ng tango tsaka natatawa at iniisip kung kelan nya sasabihin ang dapat nya talagang sabihin "Ang pogi nung nag birthday girl, pero pass kasi mukhang play boy. Jusko nadale na'ko nang mga playboy na yan kaya di nako ulit uulit!" maarte na sinabi ni Harry at napailing nalang ako.
Dumating na ang prof namin at nag tuloy tuloy na ang klase namin hanggang sa mag lunch, kami lang ni Harry ang magkasama dahil tuwing uwian lang kami nag kakasama nila Love dahil magkakaiba kami ng building kaya nakakapagod kung pupuntahan namin ang isa't isa at nasa iisang oras lang din ang lunch time namin.
Natapos ang buong araw at ako nalang ang naiwan sa loob dahil inaayos ang mga upuan na ginamit namin, sanay na'ko sa ganitong set up kaya di na rin ako nag rereklamo. Nag buga muna ako nang malalim na buntong hininga bago kinuha ang mga gamit ko tsaka lumabas na ng silid.
![](https://img.wattpad.com/cover/293757888-288-k887001.jpg)