Chapter 5

11 0 0
                                    



"Ethan?" Nangunot ang noo ko at tinitignan ng maayos kung si Ethan nga ang nakikita ko.


He look so wasted, magulo ang buhok at parang iba ang aura nya ngayon. Naka t-shirt sya na puti sa loob at naka leathered Jacket, diretso rin syang nakatingin sa akin na para bang sinisigurado na ako rin ang nakikita nya.


Nag iwas ako ng tingin at lumipat sa kabilang side, kaya napapagitnaan na namin ni Lovely si Cole.


"What's the matter?" Tanong ni Cole sa tabi ko at napatingin din si Lovely.


"Wala naman" Sabi ko at awkward na ngumiti.


"Weh hindi nga? Kilala kita gaga" Sabi ni Lovely at nakatingin pa rin sila sa akin, sabihin ko kaya? Nakakahiya naman tsaka hindi naman si Ethan ang pinunta namin dito.


Pero bakit kaya sya andito? Ilang araw din syang walang paramdam sakin, Ilang araw din kaming hindi nag kita. Sinampal ko naman ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Nagulat si Lovely at Cole sa ginawa ko, bakit ba ko nag ooverthink tungkol sa hindi pag paparamdam sa akin ni Ethan? Mag kaibigan lang naman kami.


Nawala ang atensyon sa akin nila Love ng mag salita ang bartender at binibigay sakin ni Lovely ang inorder nya, dahan dahan nya iyon inuusog habang nakatingin sa akin.


Parang nang aasar nanaman.


"Ano ba, ibibigay mo ba o hindi?" Naiiritang tanong ko at tinaasan nya lang ako ng kilay. 


"Ano munang problema mo?" 


Mag sasalita na sana ako ulit ng may nag patong ng jacket sa likod ko, naamoy ko ang pamilyar na pabango na ilang araw ko rin hindi naamoy. Napalingon ako at nakita ko si Ethan na magulo pa rin ang buhok, kahit na amoy alak sya ay nangingibabaw pa rin ang pabango nya.


"Hey Ethan" Tawag ni Cole at napatingin naman agad si Ethan sa gawi nila Cole.


Masama ang tingin nya kay Cole at agad nyang nilapitan ito at hinila ang damit, nagulat ako sa ginawa ni Ethan at nag taas lang ng kamay si Cole.


"Ethan!" Pigil ni Lovely.


"Why did you bring her here?" Malalim ang boses ni Ethan ng sinabi nya iyon kay Cole, mas lalo pang kumuyom ang kamao ni Ethan at hindi nya pinapansin ang pag awat ni Love.


"Lovely bring her" ang sinabi lang ni Cole.


Hindi pa rin binibitawan ni Ethan si Cole, parami na ng parami ang tao sa paligid namin na nag bubulungan. Tatayo na sana ako para pigilan si Ethan ng may pumagitna na lalake, Naka under cut ito at naka hoodie jacket na gray, naka fitted pants at itim na sapatos. Naaninag naman ng mata ko ang hikaw nya sa kanang tenga.


Gwapo.


Isa rin ata sa kaibigan ni Ethan?

The Way I Loved You (Enhypen series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon