Prologue

21 1 0
                                    



"Shine?" Tawag sa akin ni Silka at napalingon naman ako agad, Ihahatid nya kasi ako ngayon kung saan ako nag tatrabaho at pagka hatid nya sa akin ay didiretso na sya sa airport dahil may 2 days flight sya.


"Hmm?" 


"You're spacing out again, anong iniisip mo?" Tanong nya habang nasa daan ang tingin.


Ano nga ba ang iniisip ko?


Di ko din alam.


"Wala baliw" tanging sagot ko at nag palumbaba nalang habang nakatanaw sa labas.


Ang ganda ng panahon ngayon, ang ganda ng ulap. Nasa good mood ang mundo ngayon, sana ako rin. Panigurado nito pag dating ko sa opisina mainit nanaman ang ulo ko, tsaka wala naman na rin bago sakin. Nitong mga nakaraang taon talaga mainit na ang ulo ko.


"Thank you for the ride" ngiti ko kay Silka at nag thumbs up naman sya sa akin.


"Always welcome! Take care for the past two days oki? Buy kana din kasi ng car mo"


Sabi ni Silka sa akin at nailing lang ako. Alam nya rin na madami na'kong pera at ipon, pero nag tataka parin sya bakit ayaw ko bumili ng sarili kong sasakyan. Tsaka na lang pag narealize ko na kailangan ko na talaga.


"And! Please, wag masyadong hot headed okay? Chill lang"


Nag paalam na ako kay Silka at sinabihan ko syang mag ingat sa pag drive, pumasok na ako sa opisina ko at napairap ako sa kawalan ng may naririnig nanaman akong nag bubulungan. Hindi ba sila nag sasawa? Masanay na sila na araw araw mainit ang ulo ko.


I was busy checking the papers na inilapag ng mga empleyado sa lamesa ko ng may pumasok.


It's Harry.


"Anong kailangan ni Mr. Tan?" Agad na tanong ko at natawa sya.


Palagi naman akong pinapatawahg ng supervisor namen pag may kailangan o may ipapagawa eh, ewan ko ba at ako ang gusto nya laging utusan eh may sekretarya naman sya. Nakakairita lang.


"As usual, may ipapagawa"


Tumango nalang ako bilang pag sang ayon na pupunta ako sa opisina ni Mr. Tan, wala pang isang taon na nag tatrabaho dito si Harry dahil kaka graduate nya lang ilang buwan ang nakalipas. Agad ko syang ipinasok kung saan ako nag tatrabaho para hindi na rin sya mahirapan humanap.


Tumayo na ako at inayos ang sarili ko bago lumabas at tumungo sa opisina ni mr. Tan, baka mag complain nanaman yon na magulo ang buhok ko, magulo ang damit ko, lahat nalang magulo!


"Good morning sir, what do you want me to do?" Malambing at naka ngiti ko syang tinanong, hindi naman siguro plastik ang itsura ko ano?

The Way I Loved You (Enhypen series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon