Nanlaki ang mata ko nang makita ko sya sa harapan ko. Gaga talaga tong Lovely na'to 'sana mapatawad mo ang magandang ako' bwisit ka di kita mapapatawad.
"Tara na nag hihintay na sila" sabi ni Ethan at pinag buksan ako ng pinto, ano bang meron at gusto nya sya ang susundo sakin? Siguro rin dahil may kotse sya at mas madali iyon kesa mag commute kami ni Lovely? Siguro yun nga dahilan.
"Salamat" tanging sinabi ko at sumakay na sa kotse nya, sumandal ako at pinag masdan syang umikot pa tungo sa driver's seat.
Nag simula na siyang mag maneho at tinitigan ko naman ang kamay nya habang ipinapaikot ikot ang manibela, ang astig at ang gwapo niyang tignan banda don.
"Buti hindi ka tumanggi at nag lakad palayo" sabi nya at may lumabas na mahinang tawa pagka sabi nya non. Napatitig naman ako sa kanya dahil ang gwapo niyang tignan habang nag mamaneho at nakangiti.
Napalingon sya sa akin nang mapansin niyang naka titig lang ako sa kanya at walang imik, tumikim sya at napakurap naman ako at agad na tumingin sa bintana. Napa kagat labi naman ako ng ma realize ko na matagal tagal din siguro akong naka titig sa kanya.
Nakakahiya.
"Bakit naman ako tatanggi at mag lalakad palayo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Kasi yun naman talaga ginagawa mo" aniya't nakuha nanaman nya ang atensyon ko.
"Hindi lang ako sanay" yun lang ang nasabi ko at tahimik na kami buong byahe.
Nakarating na kami kila Silka at nauna na akong lumabas kay Ethan, sumunod naman sya sa akin at agad na hinanap ng paningin ko si Lovely dahil gusto ko syang sabunutan.
"There she is" Turo ni Ethan at alam nya na agad kung sino ang hinahanap ko, hindi ko na sya nilingon at agad namang pinuntahan ang direksyon ni Lovely.
"Gaga ka!" Sabi ko at sinabutan sya ng mahina para mapansin na andito na ako sa likod nya, napalingon naman sya sa akin at napatakip ng bibig nya dahil baka maluwa nya ang ininom nyang Tequila.
"Hala girl? Anjan ka na pala?" Inosente nyang sinabi at at nag pigil ito ng tawa, napairap naman ako sa kaniya at umupo katabi nya "Badtrip ka ba? Sorry na... Tsaka sya talaga nag pumilit sa akin na sunduin ka" aniya't uminom ulit sa baso nya.
"Paano naman nalaman ni Ethan na ikaw susundo sa akin ha?" Masama ang tingin kong tinanong sa kanya.
"Edi syempre sinabi ko" Sabi nya at kinurot ko sya sa tagiliran tumawa naman sya ng malakas at umalis sa tabi ko at inasar asar pa'ko, inirapan ko nalang sya at nag paalam na hahanapin ko si Silka para batiin, hawak ko rin ang hindi kalakihang box na nag lalaman ng dalawang librong maliit, hindi man halata sa itsura ni Silka ang pag babasa pero hilig nya talaga iyon.
Medyo nakalayo layo na ako kila Lovely at patuloy pa rin hinahanap si Silka, medyo madami rin ang tao ngayon dahil marami rami din kasi ang kaibigan ni Silka pero alam kong ang mga taong ito ay si Millie ang unang nakakilala dahil sa aming lima si Millie Talaga ang popular pagdating sa mga tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/293757888-288-k887001.jpg)