Chapter 4

9 0 0
                                    



"Ethan?" 


"Hatid na kita pauwi" Nakangiti nanaman sya sa akin at narinig ko ang mahinang pag sipol ni Silka sa gilid ko, tinignan ko sya ng masama at nag iwas naman sya ng tingin sa akin.


"Sige na girl, alam kong mas safe ka kay Ethan kesa sa grab driver" malanding sinabi ni Silka at inabot ko naman sya para kurutin pero naka iwas sya.


Etong babaeng to talaga.


Pinag buksan ako ni Ethan ng pinto at tinignan ko muna sya bago mag labas ng buntong hininga, choosey pa ba'ko? Eh may mag hahatid na sakin pauwi tapos gwapo pa.


"Take care of my very good friend, Ethan" sabi ni Silka at kumindat sakin "Pwede mo syang kainin wag mo lang uubusin ha"


Napaka talaga ng babaeng toh!


"Just kidding, just kidding" Tumatawa na sinabi ni Silka at napailing nalang si Ethan.


Nag maneho na si Ethan pauwi kung saan ako nakatira, ngayon nalang ulit talaga ako napaisip na kung paano nya ako nakilala at paano nya nalaman kung saan ako nakatira. Nakatitig ako sa kanya ngayon habang nag mamaneho.


Hinding hindi ako mag sasawang panoorin syang ikutin ang manibela kada liliko sya, dahil ang gwapo nya talaga tignan banda don.


"Matutunaw ako nyan" Bigla nyang sinabi at napaiwas naman ako ng tingin, diko napansin na napansin nyang nakatitig ako sa kanya.


"May dumi ba sa mukha ko?"


"Wala ah, gustong gusto lang kitang titigan pag nag dadrive ka" 


Nanlaki ang mga mata ni Ethan tsaka naman ito ngumiti at yumuko, ibinalik naman nya din agad ang tingin sa kalsada at halata sa itsura nya na nag pipigil sya ng ngiti. Napangiti na rin ako at inilipat nalang ang tingin sa labas. Pinasadahan ko ng tingin ang cellphone ko at mag aalauna na sa madaling araw, parang ang ikli naman ng gabi parang kanina lang papunta kami ni Ethan kila Silka, ngayon pauwi na kami.


"Thank you, Ethan" sabi ko at tinignan sya mismo sa mga mata.


"My job is to keep you safe... Always" Sabi nya at dahan dahan syang lumapit sa akin.


Hinawakan nya ang batok ko at hinila palapit sa kanya tsaka ako hinalikan sa noo, dahan dahan rin syang lumayo sa akin at nginitian ako. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa kanya.


Bakit hindi ako makagalaw?


"Shine?" tawag ni Ethan.


Napailing nalang ako at bumaba na, matagal ba'kong nakatitig sa kanya? Jusko nakakahiya naman baka mamaya anong sabihin nya. Teka, bakit nya nga ako ulit hinalikan sa noo?

The Way I Loved You (Enhypen series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon