Chapter 6

7 0 0
                                    



"Whooo grabe, ang init" Sigaw ni Lovely at napasama ang tingin ko sa kanya.


"Ang hangin kaya, palibhasa ganyan talaga pag walang ligo" Sabi ni Millie at nag away sila ni Lovely sa likod ko.


Nakapokus ako kay Ethan na nakangiti sa akin ngayon habang sunusuklay palikod ang buhok nyang magulo.


Please, kahit wag mo nang suklayin palikod. Gwapo kana.


"Shine?" tawag nya.


"Ha?" 


"Nothing, ang ganda mo" Sabi nya at napailing ako tsaka nag iwas ng tingin "Ang ganda mo palagi" 


Wag kang ganyan Ethan Lee, baka masabunutan kita jan.


Nag pipigil ako ng ngiti at tinalikuran sya "Tara na baka ma late tayo eh" 


"Sus, ayaw pa sinabihan na nga ng maganda eh" Sabi ni Silka sa likod ko pero hindi ko sya pinansin.


Hindi ako maka lingon dahil alam kong nasa likod ko sila Ethan, hindi ko alam pero nahihiya ako sa sinabi nya. I mean, alam ko naman na maganda ako. Pero iba pag sya na yung nag sabi, akala mo tumatakbo yung puso ko.


Habang nag lalakad kami papasok naaninag ng mga mata ko ang hikaw ni Axel hindi kalayuan sa amin, nakatagilid sya habang ang kanang kamay ay nasa bulsa. Maya maya pa ay biglang sumulpot si Harry sa gilid nya at nag tatawanan silang umalis.


"Axel!" Sigaw ni Liam at napalingon naman agad si Axel kasabay nito ay si Harry.


Agad silang nag lakad sa direksyon namin at tumabi sa akin si Harry, halata sa itsura nya ang paganda ng paganda araw. Napangiti naman ako dahil nararamdaman ko rin na maganda ang trato sa kanya ni Axel. inakbayan ni Cole si Axel at busy silang nag kwekwentuhan nila Liam at Ethan.


Minsan napapaisip ako kung paano sila nag kakilala lahat, bukod sa magkaiba ang age gap nila kay Liam, may iba pa kaya silang kaibigan?


"Dito ka rin pala nag aaral?" Tanong ni Love kay axel at tumango naman ito.


"Yeah, Rian and I are classmates with some subjects" Sabi nya at napatango naman ako.


"in Business Ad subject only" Pag lilinaw ni Rian na para bang iwas na iwas kay Axel.


Natawa naman ako dahil halata nga sa mukha ni Rian ang pagka inis kay Axel.


"Galit ka pa rin sakin?" Axel asked while laughing.


"What do you think ba?" si Rian.


"Ano bang nangyare" Tanong naman ni Harry.


The Way I Loved You (Enhypen series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon