Chapter 27

78 2 0
                                    

VIVIENE

Medyo kumalma na ako at nakaupo sa upuan ko. Malapit na ang 6:45 at dun na ang singing of birthday song, grace before meals at ang announcement ng engagement.

I wish that part will never happen. Ayaw kong maniwala na totoong hindi na ako pwedeng mapapunta kay Lance.

"Tapang mo rin noh?" sabi sa akin ni Ate Nica. "Hindi mo sinuway si Mommy at Daddy regarding dun sa engagement." sabi niya.

Tumawa ako ng peke. "Hindi ko gets kung ano ang pinagsasabi mo, Ate. Ok lang naman talaga sa akin." sagot ko. Medyo na-guilty ako dahil nagsinungaling ako kay Ate of all people.

She raised a brow abd crossed her arms over her chest. Napalunok ako. Feeling ko hindi siya naniwala sa pagsisinungaling ko. Hay.

"Lokohin mo pa ako, Viviene. For once kasi, pasayahin mo sarili mo. Ako pa? Eh halata ko naman na may gusto ka kay Lance." sabi niya. May soft music na nagpe-play habang may mga speech sina Mommy at Daddy.

Napatikhim na lang ako at napaisip. Sabihin ko mang gusto ko rin, paano kung hindi naman gusto ni Lance? Iiwanan lang akong nakalutang sa ere? Marami na akong sugat sa puso na matagal ko nang iniyakan. Nakakapagod ding umiyak eh.

Hanggang ngayon, naniniwala akong ako ang dahilan ng pag-aalis ni Mama. Siguro kaya niya kami iniwan ni Papa kasi masama akong anak. Alam kong mahal na mahal ni Papa si Mama kaya nung umalis na siya, sa akin niya sinisi ang lahat.

Ngayon, ayaw kong mawala si Lance kaya wag ko na nga namang angkinin. "Sakit eh." sabi ko sabay tapik sa dibdib.

Niyakap muna ako ni Ate at bumaba na siya ng stage tapos nilapitan ako ni Leon with his warm smile. Kung alam mo lang, Leon, hindi ko gustong i-dump ka lang. Sabi ko sa sarili ko.

Kumapit ako sa kanya kahit gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. I have to clear my mind. Pumunta kami sa unahan nung stage at may mga malalakas na sigawan mula dun sa mga tao. Ganun ka-excited ma-confirm?

Basta ako? Excited din. Excited na matapos na ang lahat ng ito. Para tapos na rin ang paghihirap ko.

Nag-grace before meals muna at saka nag-proceed sa next event na highlight ng birthday parties. Huminga ako ng malalim habang tuluyan ng lumubog ang araw. Malamig na ang simoy ng hangin galing sa dagat. "Bago tayo kumain, let us first sing our dear birthday girl the birthday song!" sabi ni Kuya Emcee.

Tumugtog yung mga musician and before I knew it, nakanta na sila. Marami mang kaguluhan sa loob ng utak ko ngayon, I'm pretty sure na masaya ako. It relieves me, to be honest. Masaya akong nakikitang talagang masaya sila for me but one thing shocked me.

Nakangiti si Papa at kumakanta ng masaya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kasi pwedeng pakitang-tao lang. Para naman hindi mukhang bastos na-aattend ka tapos hindi ka man lang makakanta. Or... pwedeng totoong kinakantahan niya talaga ako. Either way, masaya ako kasi kumakanta siya. Sincere man o hindi.

Medyo napatawa ako. Kahit ayaw ko sa Papa, hindi ko maitatago na mahal ko pa rin ang tatay ko.

Patapos na ang kanta at nag-wish ako. In truth, hindi ko alam kung ano ang iwi-wish ko eh. Baka kasi sobrang nonsense o baka sobrang selfish. Then it popped on my mind. I wish for everyone of us lead our own destiny of happiness alongside the people we love. And I blew the candles. At lahat ay nag-applaud.

"What did you wish for?" tanong sa akin ni Leon.

"Secret!" sabi ko na may kasamang makulit na ngiti.

Tapos ipinasa ni Kuya Emcee yung mic kay Leon. "Now, everyone, I propose a toast---wag kayong mag-alala, low ang alcohol content niyan---for me and Viviene's engageme----" naputol yung pagsasalita niya nung may narinig kami na malakas na bagsak ng table at glasses.

Napatingin ang lahat dun sa source ng ingay. At ala-suspense nung nakita namin kung sino ang nag-cause nun. "I'm going to kill that stupid brother of mine." sabi ni Leon at naramadaman ko ang galit niya.

Now... ito ang tanong...

ANO ANG PUMASOK SA UTAK MG AGNAT NA LALAKING YON AT SUMUSUGOD DITO???!!!!

Dapat namamahinga siya eh! Naka-Americano nga, bukas naman yung first two buttons at ang jologs nung pagkakatali nung necktie. Anlakas pa ng loob na magpatumba ng table, eh sobrang obvious naman ng bandage niya sa ulo---- na kasalanan ko.

"Anong gusto mo, for God's sake, Lance?! Engagement na nga lang namin, eekstra----"

"Shut up, Leon!" sigaw niya. Ang agaw-eksena naman nitong dalawa. Kayo yung may birthday?

Lumapit si Lance. Yung bawat hakbang, niya, pakaba ako ng pakaba. I somehow knew that this wouldn't go well. Alam kong hindi close yung dalawa pero sobrang nakakatakot sila kapag nag-aaway. "Good evening, Kuya Bastard." bati niya na may halong nakakatakot na tono to the point na nangangatog ako.

Sobrang bigat nung atmosphere surrounding them at kung nakakapatay lang ang tingin, baka kanina pa sila tegok. "Ano'ng ginagawa mo dito? You're interrupting the party." sabi niya in a very strict way. Ramdam ko na humigpit yung kapit niya sa akin. Nakatingin ako ngayon kay Lance at gustong-gusto kong sabihin na tumigil na siya.

"Isa lang naman ang gusto ko." sabi ni Lance. "But first, let me tell you a story."

Once there were two bears. They are brothers. They were very close. Used to be close.

They lived near a river, where only the two of them are left in the family. One day, the younger brother found a small fish. It was weak and fragile, experiencing many hardships. He decided to eat it to end its ill-fated life.

But, the older brother took one small glance at the fish and wished for it to be his own, destroying their relationship forever.

Nakatingin lang si Leon sa kanya at kahit wala silang sinasabing kahit ano... nakakatakot pa rin. Alam mo yun, yung feeling na pwede kang mamatay sa tinginan lang nila.

"Why don't you try to shut the fuck up for just a while and cut to the chase, hm, Lance?" sabi niya with an obviously murderous aura. "Bakit pinahirapan mo pa ang mga tao dito? Sabihin mo na lang na gusto mo siyang agawin sa akin!" sigaw ni Leon at hinigpitan niya yung pagkakahawak sa akin. Kita ko yung nasasaktang mukha niya.

Guess he really did love me.

Lance smirked at lumapit sa amin. Nanigas si Leon nung hinawakan ni Lance yung braso ko. Lumapit siya sa may tainga ni Leon at pabulong na sinabi, "Alam mo naman pala eh. Kukuhain ko na ha?" sabi niya.

Hinigit niya ako at nagsiirit yung mga tao, 'cause technically speaking, we're eloping.

And shit... hindi ko kailanman na-imagine na ever ko tong gagawin. Urgh, ang sama ko nang tao.

Sumakay kami dun sa bangka. "San mo ako dadalhin, Custodio?" tanong ko.

"Not far. We just need sometime alone. Na walang umeekstra." sabi niya and the next thing I know, nangangamatis na ako.

He kissed me for the first time on the forehead.

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon