Chapter 17

66 2 0
                                    

LEON

Nagsusuka ako sa loob ng CR habang nakabantay lang si Eliza. Ang init ng katawan ko at pawisang-pawisan. "Okay ka na?" nakinig kong tanong ni Eliza. Kita na nga niyang nagsusuka pa, magtatanong siya kung okay ako? Hindi tanga't kalahati?

Nalalasahan ko pa ang suka sa bibig ko. Ini-flush ko ang toilet bowl. Lutang ako at manhid. Parang wala akong makita at a marinig kundi ang boses niya.

"Nabaril siya dahil sa pagtatalo namin. Nainis siya dahil sinabi ko na walang siyang ni-one percent na cuteness. Na-offend ata siya at nagpatigil ng sasakyan. Hindi ko alam na may on-going pala na barilan kaya ayun, nabaril si Andrea. Ewan ko nga dun sa letseng taxi driver na yun eh. Kapag lang nalaman ko na sinasadya niya iyon, matitikman niya ang lasa ng mga kamao ko." sinabi ko kay Eliza. Umupo ako katabi ng toilet bowl.

Nanahimik lang si Eliza. Magulo ang buhok ko ngayon at parang baliw ang itsura. "Bakit ka ba nandito? You're not my fiancée nor my girlfriend. Ano pang pakialam mo sa akin?" tanong ko.

"I love you."

Nanigas ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang bawat buto sa katawan ay nanlamig. Wala akong kaalam-alam na may ganito pala siyang nararamdaman para sa akin. Napatawa ako ng malakas. Iisang tao lang naman ang gusto ko. Do you know the feeling of falling in love with someone through stories and pictures? Hindi kagandahan si Viviene, pero siya ang tipo ng babae na iyakin at parang laging inaapi. Pero kahit ganun, alam ko na may kakaibang lakas-ng-loob siyang mailalabas.

"Wala ka nang pag- asa, Eliza. Himdi ikaw ang mahal ko. Kapatid at kaibigan----hindi ka-ibig-an---- ang turing ko sa iyo." sabi ko sa kanya. Naramdaman kong paiyak na siya. Wala akong magagawa. Wala sa kanya ang puso ko.

****

"Asan si Lance?" tanong sa akin ni Nigel. Pero wait, si Nigel nga ba ito?

"Um…"

"Oo, ako si Nigel." sabi niya at napabuntong-hininga. Mahirap siguro ang pagiging identical twins. Buti pa ang fraternal, walang problema. Guilty din naman ako kasi pinsan ko itong si Nigel pero hindi ko pa rin malaman who's who.

"I don't give a fuck." malamig kong sabi at pumunta na sa first class ko. Nasa may sulok ako palaging nakaupo. This time, nakakapagtaka dahil malayo sa akin ang upuan ni Eliza. Ganoon ba siya ka-hurt boong sinabi ka iyon?

Nagsimula na ang klase. College algebra ang lesson ngayon sa Math. Tutok na tutok ang lahat sa sinasabi noong professor. Sus, madali naman iyang pag-aralan… for me. Haaay, makatulog na nga lang.

"Solve this equation, Miss Paglicawan." narinig kong sabi ni prof. Umubob ako sa desk at medyo tiningnan kung ano ang nangyayari. Medyo matagal bago niya nasagot, pero at least tama.

Tanda ko, lagi siyang nagpapaturo ng division of fractions na sobrang dali.

Nasaan nga kaya si Lance.

Ano ba naman iyan! Erase, erase! Letse, iniisip ko si Lance ngayon. "Submit the paperwork I gave you last time." sabi niya. Tatayo sana ako nang may nag-offer na i-submit ang papel ko. Transferee ata siya eh. Gretel Caleja ata ang pangalan. Mukhang scholar lang siya at hindi mayamaning tao.

Lumabas ako ng classroom nang may tumawag sa akin. "Leon, gising na si Viviene!" sigaw sa akin ni Nica. Pakshet, aral… o Andrea?

Yep, Andrea.

Pumunta ako sa parking lot at inilabas ang susi. Nag-drive din ako agad papunta ng gate.

"Sir, bawal pong lumabas ang estudyante ng ganitong oras." sabi sa akin ni Manong Guard.

Dumukot ako ng ilang bills sa bulsa ko at ibinigay sa kanya. "Ayan,    Php10 000, palabasin mo lang ako at huwag isumbong." sabi ko. Natulala ata siya sa pera at pinaalis ako.

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon