Chapter 32

59 3 2
                                    

Originally talaga, hanggang chapter 30 lang tayo. Kaya lang yung palang mga iniisip ko ay worth three more chapters. Kaya...

Brace yourselves kasi this is the SECOND TO THE LAST CHAPTER ng kwento ng paglalandian ni Lance at Viviene at ang pakiki-third party ni Yanna at Leon plus ang hopeless romantic na si Eliza.

Anyway! Here's the climax! The face-off!!!

****

VIVIENE

Nasaan ako?

"Anissa." sabi ng isang boses. Si Lance? Hindi. Mas ipit yung boses niya. Si Leon? Mas bored yung boses niya.

"Anissa," sabi niya uli. Ngayon, galing sa may likuran ko ang boses. Pero pagtalikod ko, nawawala na yung pigura niya. "Hanggang sa muli, Princess ko."

Napaiyak ako habang naluluhod. These times are one of the instances hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot na aalis siya. Diba dapat nga matuwa pa ako dahil aalis na siya? Na dapat ko siyang kagalitan pagkatapos niyang maging walang kwentang ama?

But here I am. Iniiyakan ko si Papa.

"Papa... Papa..." iyak ko.

Nagmulat ang mga mata ko only to be welcomed by a chin. Naglalakad kami pero dala-dala niya ako.

Oh wait....

Sino to?!

But when I looked closely, nakahinga ako ng malalim. Thank goodness andito na si Leon. Sobrang hindi kasi talaga ako nakahinga dun sa warehouse. Sobrang init pati. Malapit na siguro kami sa dalampasigan kaya hindi na masyadong mainit. Malamig na ang simoy ng hangin at nakakahinga na ako ng maayos.

But what was that dream? Nakakasira ng ulo. Pero, sobrang disoriented ko pa so I decided na hayaan na muna yun for now.

"Gising ka na." sabi ni Leon na nag-cause sa akin na sumuksok sa kanya. I'm safe. Hindi ko kailangan pang mag-alala. Babalik na ako sa pamilya ko at hindi ko na ulit mai-experience ang pagiging locked up sa loob ng isang warehouse na nasusunog.

Pero parang may nakakalimutan ako. Para bang may kumakalabit sa dibdib ko, urging me to go back. Pero matutulog na lang ako. Siguro kaba lang yon at guilt na baka pagalitan ako ni Mommy at ni Daddy.

Papalapit na kami sa isa sa mga bangka na siguro ay sinakyan ni Leon. Isinakay na niya ako at gusto ko na talagang matulog but the tugging sensation is still there to the point na gusto ko munang alisin yung dibdib ko.

Then may nakita akong bangka kalapit nung amin. Naramdaman ko nahinihimas ni Leon yung buhok. It was comforting but somewhat bothering. Hindi ko maintindihan.

"Do you know how tempted I am to kiss you right now?"

Ano yun? Sinong nagsabi nun? Medyo sumakit yung ulo ko.

"Once na bumalik tayo dun, itutuloy pa rin nila yung engagement. And you're the type to never ever disobey your parents. Tingin mo hahayaan kitang bumalik dun? Definitely not. Kuya will snatch you away then I'll be left alone. Besides, sabihin mo man sa akin ngayon na ipaglalaban mo ako, gaano man ka-cliche yun, hindi ako maniniwala. You're not brave."

Sumakit na rin this time yung dibdib ko. "Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Leon habang inaalalayan niya ako.

Then it slapped me.

Lance.

Tumingin ako sa paligid ko habang sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Lance. Nasan si Lance? Hindi ko siya makita. Si Leon lang. Imposible namang iniwanan niya diba?

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon