Chapter 16

62 2 0
                                    

LANCE

"WHERE IN THE HOLY SHIT ARE YOU?!" sigaw ko kay Nathan habang nagda-drive si Manong.

"Lance, kumalma ka. Nasa emergency room na si Viviene." sabi nya.

Like, what? Nasa date lang ako kanina with Yanna pero ngayon, nasa sasakyan ako at nagmamadaling pumunta sa hospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Nathan. Anong nangyari sa kanya?!

Tumigil yung sasakyan at nagmadali akong bumaba at dumiretso sa emergency room. "Sorry po, sir. Bawal pa pong pumasok. " sabi ng nurse.

"Lance!" narinig kong tumawag sa akin si Alice from behind.

Nandun ang mga barkada namin at si Kuya Leon. Composed pa rin si Kuya. Ano ba kasi ang kailangan nya kay Viviene?! Ano na ang nangyayari sa kanya?!

Lumabas yung isang doctor. "Mr. Natha----" hindi na nya natapos ang salita nya when I gripped his collar.

"Anong nangyari?!" sigaw ko sa kanya.

"Woah, Lance. Hinay lang!" sabi ni Miguel at hinila ako.

"Paano ako maghihinay-hinay kung hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya?" sabi ko.

"Medyo malalim po yung bala. Kailangan pong magpa-opera para hindi po mag-infection." sabi nung doktor.

Ano?

Bala? Ng ano?

"Ayos lang po ba siya?" may nakinig akong nagtanong sa likod naman.

Nakasuot siya ng pang-taxi driver. Mukha ding barbarian yung parang pamunas nyang mukha.

"Ako po yung nakabaril sa kanya." sabi niya.

Pagkasabi nya noon, parang nawasak ang paligid ko. Nabaril niya si Viviene. Alam kong nanlilisik ang mata ko ngayon. Kung hindi lang kasalanan sa Diyos ang pumatay, I won't hold back. "Sorry po talaga." sabi niya.

"Hindi ka nagi-ingat tapos sasabihin mo lang iyan pagkatapos mong mabaril ang kaibigan namin?! Ang kapal din ng leche at mukhang putik mong mukha!" sigaw ni Serene. Nag-flinch rin yung driver.

"Lasing po ako eh." sagot niya.

"Eh paki namin kung lasing ka?! Nakabaril ka!" sagot niya ulit.

Nanahimik ang lahat at gusto ko namg bugbugin ngayon din ang lalaking ito. Sa lahat ng tao, bakit si Viviene pa?

Bakit ako nag-iisip ng ganitong bagay? Ano ba sya sa akin? Ako ang personification ng salitang 'reality' kasi ayaw kong tumitira sa pantasya. Pero ngayon, ayaw kong aminin kung ano sya sa akin. I deny reality.

"Shit, I love her." pabulong kong sabi. Sana lang walang nakakinig. Kung meron, I'll commit suicide.

Yung barbaric face ni Kuya ay ang mukhang gusto mong suntukin. I kept clenching.

Viviene... please. Please be safe.

"Kasi naman po yung babae kong nabaril, hindi tumitingin----" argumento pa nya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko at tumakbo ako sa kanya at akmang suntukin siya. Bigla akong tinulak ni Kuya papalayo at sinuntok siya ng 10x ang lakas kaysa sa pinakamalakas na suntok ni Pacquiao.

Nakita ko na may galit sa mukha nya. "Leon?" narinig ko ang boses ni James. It has been years nung huli kong nakitang ganito kagalit si Kuya Leon.

Nagwalk-out sya.

****

Fifteen minutes...

Thirty minutes...

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon