Chapter 2

146 3 0
                                    

VIVIENE

Humikbi pa rin ako habang kinakain ang strawberry sundae na pasalubong sakin nina Serene, Clarisse at Alice, with matching kain ng chicken burger at fries. Ang sakit nga sa lalamunan eh. Ikaw ba naman kasi, umiiyak habang kumakain. Oh well, ang sarap kasi eh.

"Akala kasi namin tatawa ka rin lang. Ang sweet kaya nung endearment ni Lance!" paliwanag ni Alice.

"Kahit na! Alam nyo naman ang dahilan kung bakit ayaw kong tinatawag ng ganun? Maaalala ko lang ang pangha-harass sakin ng mga biological parents ko. Bakit ba kasi sinabi nyo pa kay Lance yung true name ko!" complain ko. Haaay, ang complicated naman ng life ko. Pwede nang pang-MMK.

"Sorry talaga, Vivien," sabi ni Clarisse. Speaking of, nasan si Serene? "Hayaan mo, sasabihin namin kay Lance bukas na bukas na mag-sorry sayo. Kahit he's two years older satin and wala kaming panama sa bangayan sa kanya, sasabihin namin. Promise." sabi ni Alice.

Hmph! Dapat laaaang!!!

Nagpalit na sila ng pambahay nila and we called for Jollibee delivery. "Call ko lang si Serene. Inabonohan ko na muna yung share nya." sabi ni Alice.

Bumaba siya at pumunta ata sa lobby. Kumain muna ako ng masarap na chicken. Mmmm, sarap! Biglang bumukas ang pinto ng dorm. Pagtingin ko, yung usually naka-braid na buhok ni Serene ay nakasabog sa mukha nya. Mukha nga siyang monster dun eh.

"Anong nangyari?" tanong ni Clarisse kay Alice.

"Yung father kasi ata nya..." natigilan si Alice ng lumabas ng kwarto si Serene.

"Aalis muna ako. Babalik ako baka sa Sunday na. Naka-ICU si Papa eh. Sige bye." nagmamadali nyang sinabi.

Oh God, bless her father. I wish him good health.

*******

~~~~~~

××××××

"Mag-sorry ka kay Viviene." sabi ni Alice.

"Bakit, anyare, ka-Alice?" tanong ni Yvan. Nag-belat lang si Alice kay Yvan. Haha, ignored si ka-Yvan.

Nakahalumbaba lang si Lance habang talak ng talak sina Clarisse at Alice. "Blah blah. Masyado naman syang sensitive." sabi ni Lance casually. Aba, lakas ng loob ah.

"Eh pano kung sinabi kong umiyak si Viviene?" sabi ni Alice.

Parang tumigil ng paghinga si Lance. Bigla syang nag-fake laugh. "Owwwss?? Maniwala. Sinasabi nyo lang yan para mag-sorry ako sa kanya, eh." sabi ni Lance with a sadistic smile. Nakakainis... para pating sinasadya nyang marinig ko eh. We are one table apart pero parang naka-earphones ako dahil sa lakas ng conversation nila.

"Bakit ba kasi ayaw mong gawin?! Magso-sorry ka lang naman. Punta ka lang dun and say 'Sorry.' Baby ka ba para bigyan ng step-by-step instructions?!" sigaw ni Clarisse.

"Why are you making such a big fuss about this? Ang kukulet nyo eh! Tsupe! Umalis nga kayo dito!" sigaw ni Lance, nakatayo pa. And take note, magpapasalin muna ako ng dugo. Nosebleed ako sa English nya.

Nagulat ako nang dumating ang mataray na librarian. "First warning, journalists. Very noisy." she murmured, with matching isnab pa. Hmph! Taray, kala mo sya ang dyosa ng mundo. Anyway, better leave bago pa kami paalisin ng totoo.

Tumayo ako sa upuan ko and gathered my paper. "Alice, Clarisse, tara muna sa labas." sabi ko.

Shock scene part 2: humihingal si Lance and laughing, plus clutching his stomach. "Anyare?" tanong ko.

"Oo na, sorry na! Wag nyo lang ulet yong gawin!" nagmamakaawa si Lance kina Alice at Clarisse. "Sorry na, Viviene! Wag nyo lang akong kikilitiin! Parang awa na!"

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon