Chapter 6

51 2 0
                                    

YANNA

Nasa ilalim lang ng unan ko yung ulo ko. Hindi ako mapakali. Bumangon ako at tumuktok sa mini-door.

"Yvan! Buksan mo! Papasok ako." sabi ko ng pabulong. No response. "Yvan." sabi ko sa tonong nagagalit kahit hindi naman.

"Oo na." sabi nya at may yawn pa. Binuksan nya yung lock sa side nya at binuksan ko rin yung sa side ko. "Bakit?! Alam mo bang 2:30am pa lang?" naiirita at inaantok nyang sabi.

Hinila ko sya papunta sa kama ko. "Namomroblema nga ako tungkol kay Lance." sabi ko.

Tumawa ng konti si Yvan. "Akala ko ba hindi mo gusto si Lance?" tanong nya.

"Yun na nga yung problema eh. Hindi ko alam kung may feelings ba ako o wala para sa kanya. What to do Yvan?" tanong ko sa kakambal kong panget, pero may itsura ako, kasi fraternal twins kami.

"Try dating him. Then you'll confirm your feelings." sabi nya. Ang daming experience. Kasi naman, may ex-gf na sya.

"Okay. Pero pwede bang dito ka muna matulog, bro?" tanong ko with puppy eyes kahit alam kong hindi nya kita kasi madilim.

"Bakit?"

"There's a monster in the closet." sagot ko. Bigla akong natakot sa sinabi ko.

"Ano ka, five? 'Di, joke lang. Sige, dito muna ako tutulog. Night, sis!" bati sakin ni Yvan and we went to sleep.

*******

~~~~~~

××××××

"Aaawww, sweet naman ng twins ko!" sabi ni Mom samim habang ginigising kami.

"May monster daw po kasi sa closet nya." sumbong ni Yvan. Buti na lang di nya sinabi yung tungkol kay Lance. "Kailan nga po pala tayo babalik sa bahay natin?" tanong nya.

"Maybe this summer." sagot nya. Naligo na muna ako habang kumakain si Panget. Then nagbihis, kumain, at sumakay ng car namin.

Inintay ko si Yvan sa car. Then nag-ring yung phone ko.

Alzheere de Villa

Huh? Pano nakatawag si Alzheere dito? Diba nasa London sya? Sinagot ko. "Hello? Alzheere? Pano ka nakatawag dito?" tanong ko.

"Is this Yanna Paglicawan?" she asked. Napalunok ako. Galit nga pala sakin si Alzheere dahil 'inagaw' ko sa kanya si Lance. In the first place, he has never been hers.

"Uh, yeah?" pinagpapawisan kong tanong.

"Remember this, Yanna Pagl----" naputol yung sasabihin nya dahil inagaw ni Yvan yung phone ko then ini-end call. Nambabastos? Pero I guess maganda na nga yung inagaw nya, para hindi ko na kailangang marinig yung death threat ni Alzheere.

Nakatingin lang ako sa road habang nagda-drive si Dad. "Ann, how's it going with Lance?" tanong ni Dad.

"We're doing fine, Dad," sabi ko. Kung hindi lang sana kayo nag-arrange marriage.

Bumaba kami sa main gate and met up with the barkada. Naabutan ko silang nasa gate,nat galit si Lance. "Si Yanna din kaya!" sabi ni Nigel. O, nakasama ako bigla.

"Saan?" tanong ko.

"In-love ka ba sakin para man-stalk?" nanloloko nyang ngiti.

"Mukha kasing masaya kaya sumama ako." excuse ko. Haaay, sana hindi ako namumula. Humiwalay ako sa barkada at pumunta ng classroom. I need to catch up sa mga lessons.

"Uy, Tina, patingin nga ako ng chem notebook mo." sabi ko. Chem notes muna kokopyahin ko. ^w^

Hiniram ko muna kay Tina yung notebook then pumunta ako sa library. Pagpasok ko, deserted yung first floor. Meaning, nasa second o third floor sila. Umakyat ako sa stairs ng library ng UST. Pagpunta ko dun, biglang sumalubong sakin si Viviene.

"Yanna!" sabi nya very happily. "Kanina pa ako dinudumog ng mga tao dito, help me!" pleading tone na sabi nya. Hmm, I wonder.

Pagtingin ko, may dala-dalang mga papel at ballpen ang mga tao. "Oh." yun lang ang nasabi ko sa dami ng mga babae na dumudumog kay Viviene.

"Autograph ni Master Lance! Please Lady Viviene!" sigaw nila. L-lady Viviene? Seriously? Nasa library kayo people!

"Dito ka lang. Wag kang tatanggap ng kahit anong papel. Got it?" sabi ko.

Bumaba ako sa counter at kinausap ang masungit na librarian na kay Lance, and only kay Lance lang mabait. "Ma'am, there's a big mob upstairs." sabi ko. Nanindig ang mga balahibo ko nang tumayo sya and hurried papunta sa taas. Maya-maya, nagsibabaan ng tahimik ang

mob.

"Thank you for informing me, Ms. Paglicawan." sabi nya.

Napabuntong-hininga ako at umakyat. Then, nasa likod ko lang pala sina Lance.

"Dinumog gf mo." sabi ko.

"So? Paki ko?" sabi nya.

"Wow, akala ko ang sweet nyo." sabi ko.

"That's just for play. You're my real girlfriend." sabi nya.

Nakalimutan kong magnose-bleed dahil bigla akong kinilig sa sinabi nya. So ano, may gusto talaga ako sa kanya?

*time skip... dismissal time*

"Lance!" sigaw ko sa kanya.

Lumingon sya, and oh my gulay, ang gwapo nya kahit mukha syang taong malapit nang mabulok.

"Yeah?" sabi nya in his siga mode.

"Let's leave them in peace." sabi ni Nathan ng tahimik pero may kakulitang tono.

"Bakit?" tanong nya ulit.

Naninikip ang didbdib ko, at wait, bakit masakit ang puson ko?

"Okay, I want to confirm something." sabi ko.

"Ano yun?"

"Gusto kong malaman kung gusto nga ba kita."

Kumunot sya. "Fine, Saturday, mag-date tayo. Magdi-disguise ako." sabi nya.

*******

~~~~~~

××××××

When Iyakin Meets RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon