----
Third Person’s POV
Click
Click
Click
Click
Click
Ipinulupot kaagad ni Kai ang kanyang kamay sa bewang ni Kyungsoo at tiningnan ng pagkasama sama si Minhyuk, aka Official Stalker ni Kyungsoo. Naglalakad sila papasok ng school dahil tumanggi si Kyungsoo na sumakay sa sasakyan ni Kai. Mas mahaba daw kasi moment nila kapag naglakad sila, hindi tulad ng kapag sumakay sila. Lol. Lalandi eh.
Kaya ayan, nakasalubong nila si Minhyuk /kahit na hindi dahil sumusunod talaga siya/ at nakisabay sa paglalakd nila. Kahit labag sa loob ni Kai ay pumayag siya dahil umoo na si Kyungsoo. Wala eh, under de saya si Tan.
“Pwede ba OS, tumigil tigil ka muna dyan sa pagpipicture mo kay Kyungie ha. Buryong buryo na ako sa kakaclick mo.” Singhal ni Kai pero inirapan lang siya ni Minhyuk. At yung OS, short for Official Stalker. Pero nung siya, admirer kapag iba stalker, tsk tsk.
“Hindi pwede Tan, bawat galaw kailangan kong makuhanan. Ipopost ko pa to sa fansite ko para kay Dyo no. Maraming naghihintay sa update ko.” Sambit ni Minhyuk habang may mga ngiti sa labi. Tumigil si Kai nang maabsorb na niya yung mga sinabi ni Minhyuk.
“Adik ka ba? Bakit mo ipopost yan mga pictures ni Kyungie ha? Bawal! Hindi pwedeng ipagkalat ang kacute’an ni Kyungie.” Napangiti ng palihim si Kyungsoo. Ang possessive daw kasi ni Kai sa kaniya. “Ang mabuti pa, ibigay mo sa akin lahat yan”
“Akala ko kikiligin na ako. Makikinabang rin pala siya” Bulong ni Kyungsoo. Obsessed na pala si Kai, lol.
Umirap muli si Minhyuk, “Sira ka ba? Pinaghirapan ko lahat tapos mapupunta lang sayo? Dream on dude” At saka siya bumalik sa pamimicture kay Kyungsoo. Click here, click there, click everywhere!
“May karapatan ako sa mga pictures na yan dahil boyfriend ako ni Kyungie at soon to be husband!” Pahayag ni Kai na siyang kinalaki ng mata ni Minhyuk at ni Kyungsoo, kahit given na yung Kyungsoo, lels. Hahahaha.
Namumulang nagsalita si Kyungsoo dahil boyfriend niya naman talaga si Kai, kaso nga lang yung future husband, parang nalihis ng landas. Ni hindi pa nga siya tinatanong ni Kai ng four magic words eh ‘Will You Marry Me’. Atat ata si Kai eh.
BINABASA MO ANG
I'm Not a Stalker [ KaiSoo FF ]
FanfictionBoyxBoy ( Yaoi ) Story about KaiSoo ... Kasi naman ... hindi naman daw talaga siya STALKER ehh... hindi talaga... As in... hindi siya STALKER ni Do Kyungsoo . Book Cover made by @SujurouManabe <3