PATAWAD

3 2 0
                                    

Simoy ng hangin ay kay sarap damhin,
Hampas ng along kay sarap pakinggan,
Katahimikan ay walang katapusan,
Sa gitna ng malawak na karagatan.

Pusong naghihinagpis at lumuluha,
Kahit kalikasa'y hindi mapakalma,
Pusong nagmahal lamang sa iyo,
Bakit Kaligayaha'y pinagkait mo.

Kasalanan Bang ika'y minahal ko,
Sa maling pagkakataon sinisinta ko,
Kaligayahan aking inagaw sayo,
Tanga'ng puso'y sana patawarin mo.

Nabulag sa aking pagmamahal sayo,
At hindi inisip mararamdaman mo ,
Kaligayaha'y desperadong makamit,
Ng pusong Kaligayaha'y pinagkait.

Sa tamang pagiisip ako'y nagbalik,
Di liligaya sa pusong tinitibok ay iba,
Ikaw ay aking pinapalaya na,
Nawa'y maging masaya ka sa piling nya.

Lugar na ito'y akin nang lilisanin,
Pagmamahal sayo akin nang lilimutin,
Hahanapin taong itinakda saakin,
Paalam sa taong di naging akin.

~~~~~~~

Ang tula ko po ay hindi perpekto.
Bagsak po ako sa Filipino Subject ko kaya po kung may mali po ako pakitama nalang.

Pakituruan na din ako kung paano ung tamang paggawa ng tula

If you like this poet please vote and share is highly appreciated.

THANK YOU for reading this.

POET COLLECTION(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon