Sa aking murang edad,
Aking nakita ay realidad,
Kasiyahan ay Pinagkait,
Nang ako pa ay paslit.Sa hirap ng aking buhay,
Ako'y natutong lumaban,
Malamig na semento,
Ay syang aking higaan.Kahit ako'y nahihirapan,
Masamang gawain di papatulan,
Sa Diyos ay may takot,
Sa Batas ay mananagot.Pinabayaan ng magulang,
Diyos ako'y ginabayan,
Lahat ay aking gagawin,
Maliban masamang gawain.May araw na darating,
Magandang buhay pilit aabutin,
Kahirapan ay lilisanin,
Pinagmulan ay di lilimutin.Pag pangarap ay abot na,
Ako'y tutulong saking kapwa,
Ibabahagi aking biyaya,
Ng may ngiti sa aking mukha.~~~~~~~~~~~
I hope you guys understand this poet kasi ako hindi ko gets ':)
anyway please support my other story guys thank you in advance and thanks for reading this.
If you like this poet please vote and share is highly appreciated.
THANK YOU for reading this.
![](https://img.wattpad.com/cover/295803257-288-k280768.jpg)
BINABASA MO ANG
POET COLLECTION(tagalog)
PoesiePoet about sa iba't ibang tagpo ng buhay ng bawat Tao.