STALKER

1 1 0
                                    


Nakatingin sa malayo,
Pagmamahal ko'y tinatago,
Malabong magustuhan mo,
Isang simpleng katulad ko.

Laging sinusundan ,
San man iyong puntahan,
Masilayan ka lamang,
Saya'y walang mapaglagyan.

Pangit mang tignan,
Ngunit ito'y aking kasiyahan,
Sinubukang magparamdam,
Ngunit ika'y walang pakialam .

Ang mafall sa isang taken,
Ay masakit sa damdamin,
Oh kay hirap pigilan,
Damdaming nasasaktan.

Ang makasama ka,
Aking hinahangad - hangad,
Ngunit hindi na aasa,
Na ikaw pa ay makasama.

Aking nang susubukan,
Ibaling sa iba'ng nararamdaman,
Ako'y hanggang tingin lang,
Paalam , iyong sarili'y alagaan.

~~~~~~~~~~~

ginawako ung tula na to nung may tumawag saking unknown no. Tumawag sya nung gabi nag naghello lang sya tapos pinatay nya na ung tawag. Ang creepy hindi tuloy ako nakatulog.

If you like this poet please vote and share is highly appreciated.

THANK YOU for reading this.

POET COLLECTION(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon