KADUGO

2 2 0
                                    

Pagibig ay aking naramdaman,
Sa kadugong aking ginagalang,
Ako'y hindi nais magkasala,
Kaya nadarama'y binalewala.

Pasulyap-sulyap sa malayo,
Kilig ko ay pilit tinatago,
Nagsimula sa maling tagpo,
Galit dapat nararamdaman ko.

Kagaya ko sya ay lumalayo,
Hiya sakin nararamdaman mo,
kasalanan ay iyong di sinadya,
Ngunit ito pari'y nakakahiya.

pagiisip sa iyong nagawa,
nauwi sa pagibig hindi sadya,
Aking saliri ay nilibang,
upang ika'y mawala sa isipan.

Pipiliting ika'y kalimutan,
Mahulog sayo'y isang kasalanan,
di pagtatapat ang nararamdaman,
kumplikado mundo aking ginagalawan.

Maling nagawa nawa'y makalimutan,
Sana mabalik pagiging magkaibigan,
Ikaw ay aking iniiwasan,
Ngunit galit ay hindi naramdaman.

~~~~~

nga pala guys need ko ng marunong mag photo editing para sa story ko na nakatambak lang kasi walang cover

dito sa tula na to naisipan kong gawin to kasi noong bata pako naalala ko nag ka crush ako sa pinsan ko. Ung about sa sinasabing maling nagawa ewan ko din kung ano yun :-D.

if you like this poet please vote and share is highly appreciated.

THANK YOU for reading this.

POET COLLECTION(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon