AWA

2 2 0
                                        

Ako'y nagtataka aking sinisinta,
Ako ba ay talagang mahal mo pa,
O sakin awa nalang ang nadarama,
Sarili'y kinalma puso'y nagdadamdam pa.

Sa apat sulok ng aking silid,
Aking hagulgol ang maririnig,
Sakit sa puso ay hindi kinaya,
Luha ay umagos nalang basta.

Aking kahinaan ay hindi pinakita,
Sa mata ng mga taong mapanghusga,
Ako ay hindi iniwang magisa,
Ngunit lamig mo'y nadarama.

Nilabas sakit na nararamdaman,
Sa akala ko'y aking kaibigan,
Sakit sa puso'y lalong naramdaman,
Ng aking sinisinta ako'y iniwan.

Ako ba ay isang makasalanan?,
Bakit sakit ay nararamdaman,
Aking sinta'y hindi ka pinipigilan,
Kung kalayaan ay iyong inaasam.

Kahit masakit ika'y aking pinapalaya,
Kung liligaya ka sa piling ng iba,
Pipiliting lumigaya kahit wala ka na,
Paalam aking sinta at mag-iingat ka.

~~~~~~

wow dumudugo na ilong ko. Lalim ng tagalog pero itong tula na to ginawa Ko to nung nalaman ko ung kwento ng pinsan ko.

Hindi ako chismosa may nag kwento lang sakin pero hanggang ngayon sila parin. Yun nga lang hindi na sya mahal nung boy.

if you like this poet please vote and share is highly appreciated.

THANK YOU for reading this.

POET COLLECTION(tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon