Sobra ang aking saya,
Ikaw ay aking kasama,
Ngunit aking sinisinta,
Bakit ika'y naglaho nalang basta.
Wala nang hihigit pa,
Sa kasiyahang nadarama,
Ang makapiling ka,
Lubos lubos na ang ligaya.
Sa kahit anong bagay,
Ang ating pagmamahalan,
Hindi kayang tumbasan,
Makasama ka'y isang karangalan.
Ikaw at ako ay laging masaya,
Tayo ay nangako sa isat isa,
Ngunit aking sinisinta,
Bakit pangako mo ay napako na.
Sabi mo walang iwanan,
Hanggang dulo ako lang,
Ngunit bakit ako ay iniwan,
Parang bula naglaho sa kalawakan.
Ako ay iyong pinaglaruan,
Puso'y nagmahal lamang,
Pero bakit iyong sinaktan,
Paalam, ikaw na'y aking kalilimutan.
~~~~~~~
I want to make a poet in every bad or happy moment I know.So sa ngayon module muna next time na ung ibang poet hahahaha na tambakan ako ng modules.
If you like this poet please vote and share is highly appreciated.
THANK YOU for reading this.
BINABASA MO ANG
POET COLLECTION(tagalog)
PoetryPoet about sa iba't ibang tagpo ng buhay ng bawat Tao.
