sabi nila wag puro harapan ang tignan,
minsan nasa likod mo lang,
naghihintay na iyong balingan,
Ang sabi ko naman,
Bakit ko sya lilingunin sa likuran,
kung kaya naman nyang makipagsabayan,
at magpunta sa harapan,
bakit sya mahihiyang magparamdam,
tao lang din naman sya na may nararamdaman,
hindi naman ako pihikan para sya ay tanggihan,
Ang malaking problema nga lang,
ako'y hindi pa handa sa mundong yan,
commitment ay aking iniiwasan,
dahil pagaaral ang aking pinagtutuunan,
at ako ay iyo sanang patawarin,
kung pagibig na para sa iyo ay hindi ko maramdaman,
aking sarili'y hindi ko maaaring turuan,
na ikaw ay mahalin na parang kasintahan,
ngunit pwede naman tayong maging magkaibigan.
kung ikaw ay papayag nga lang.
~♡~♡~♡~
hello po so sorry po sa typo and wrong Grammar and I'm thinking of publishing poetry in English naman po please support po.
if you like this poet please vote and share is highly appreciated.
THANK YOU for reading this.
BINABASA MO ANG
POET COLLECTION(tagalog)
PoetryPoet about sa iba't ibang tagpo ng buhay ng bawat Tao.
