EPILOGUE
CHAPTER 50
SUMMER'S POV
"Ice Roqas!"
Nakasimangot na nilapitan ko si Ice at hinila ko siya sa pamamaitan ng pagila sa tenga niya. Napasigaw siya pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako hanggang makarating kami sa kusina kung saan iniwan niya saglit sa lamesa si Chly.
Kalalabas ko lang mula sa kwarto dahil late na akong nagising. Nang pumasok ako sa kusina eto ang naabutan ko.
"Look at that mess!"-me
"Eh..aayusin ko naman eh."
Nilagyan niya ng mga harang yung lamesa para hindi mahulog si Chly. Mukang nag attempt na naman na magluto si Ice at dahil sa hindi niya maiwan si Chly na baka nauna ng nagising kaya isinama na lang niya.
I have a feeling na natataranta siya sa pagpapatahan kay Chly kasabay ng pagkataranta niya sa pagluluto. Ang gulo ng kusina...nagkalat ang harina at balat ng itlog.
Isama pa na mukang nahila ni Chly yung kutsara sa nutella kaya ngayon puro chocolate na si Chly.
Tinignan ko ng masama si Ice na nagpout lang.
"Sorry na."-ice
May kinuha siyang plate at ipinakita sakin yung pancake na ginawa niya na nilagyan niya ng nuttela. Hindi ko na napigilang hindi mapangiti ng makita kong hindi sunog ang pancake niya.
Nakakailang subok narin siyang magluto at eto ang pinaka maayos.
Kinuha ni Ice si Chlymate at umupo na ako para kainin yung luto niya. Nilingon ko silang mag ama at napailing ako ng makita kong pareho silang madungis.
BINABASA MO ANG
BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)
Adventure(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Husband, now a published book under LIB creatives. Php 209.75. Available at all Precious Pages branches, National Bookstore, Pandayan, Expression and BookSale. Please do grab a copy :) Thank you! "Loving you...
