CHAPTER 20 ~ Baby Dominant ~

106K 1.3K 23
                                    

CHAPTER 20

SUMMER'S POV

Kinakagat ko yung lapis na hawak ko habang may hawak ako na folder. Nakalagay na sa labas na sakin tong mission na to..I mean sakin at kay Ice. Ibinigay to sakin kanina ng Kuya ko.

Kasalukuyang nakayakap sakin si Ice habang nakikibasa din sa folder na hawak ko habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Pinabayaan ko na lang siya dahil wala na naman akong magagawa dahil trip niya na namang mangulit.

Ang hindi ko lang maignora eh yung mga taong kasalukuyan kaming tinititigan na parang science experiment kaming dalawa ni Ice.

"Stop ogling, guys."-me

Nag-angat ako ng tingin at napailing ako ng makita kong lahat sila nakatingin samin. Come on..kailangan may titigang factor? Hindi ba pwedeng gawin na lang nila kung ano yung mga ginagawa nila kanina?

o kaya sila na lang ang magtitigan?

"End of the world na ba talaga ngayong 2012?"-hurricane

"Baka nga."-reese

"Kailangan na nating mag-impake sweetie. Pupunta tayo sa Cape Of Good Hope sa South Africa. Alam ko don yung last na lugar na matitira sa mundo."-wynd

"Mauna ka..makipag-friends ka sa mga baboons don."-autumn

Bumuntong-hininga ako. Malala na talaga ang tama ng mga tao dito. Parang lahat sila hindi matatahimik hanggang hindi nalalaman kung anong nagbago samin ni Ice.

Bago kami pumunta sa resort ni Xander..oo laging nakalapit sakin si Ice at nahuli pa nila kaming nagkiss. Pero obvious naman na may wall sa pagitan namin.

Pero ngayon kahit sino..mararamdaman na may nagbago saming dalawa. And no one can miss the intensity whenever we're close together.

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon