A/N: Para po hindi magulo..yung 'nangyari' na sinasabi po ni Ice at ni Summer about kay Olivia. Yung kiss po yon..wala talagang nangyari as in BS ^__^ And also gusto ko lang na sabihin na ang pagkakaiba ng story nila Summer sa ibang BHO Stories..mas fast pace yung sa kanila. Which means marami pang pwedeng matalakay and tsu tu :D Kapit lang sa key board..and enjoy the ride ^///^
CHAPTER 41
WYND'S POV
Nagkatinginan kami ni Wynter ng binuksan namin ang pintuan ng kwarto ni Ice. Ano ba ang inaasahan niyo? Syempre yung magulo yung kwarto..nagkalat ang basyo ng alak. Nagkalat ang mga damit at mukang ermitanyo si Ice.
Pero..
...
...
Hindi.
Malinis ang kwarto niya na mas malinis pa kapag pinaglinis siya ni Momma. Wala ding nagkalat na damit o bote ng alak maliban sa apple juice na nasa lamesa sa isang gilid. Hindi din mukang ermitanyo si Ice..muka parin siyang tao at gwapo. Parang ako lang.
Alam naminn kung ano yung nangyari. Wala siyang choice kundi sabihin. Pagkatapos niyang sabihin noon puro mura ang narinig namin sa loob ng conference room. Galing man sa babae o lalake. Naghagisan din ang mga sapatos ng mga asawa ng mga BHO Boys na nagpapapasag habang inilalabas sila ng kwarto.
Hindi ako kasama dahil bago pa ako makakilos nasuntok na ni Autumn si Ice...after non kusa siyang lumabas. Nang wala na ang mga nagwawalang mga misis namin wala ng nag react samin. Kahit si Tita Bree tahimik lang pati na si Tito Poseidon.
Wala akong nakitang galit sa kanila para kay Ice. Mas galit pa nga si Momma. Naalala ko pa yung eksaktong sinabi ni Tita Bree ng gabing yon.
'You love my daughter but you're a human too. We often make mistakes and we cant change it. Wala ng mangyayari kahit magalit pa kami o sisihin ka namin. I know that you wouldnt want to hurt Summer intentionally. You're not perfect..ang please dont try to be one. We're not asking you to not make Summer cry..kasama yon sa pagsasama ng isang mag-asawa. We just want you both to be happy. Make her happy and learn from your mistakes.'
Kahit ako..hindi ko masasabi na perfect ako. May mga pagkakataon nga lang sa relasyon ng dalawang taong nagmamahalan na makakagawa ka ng hakbang na masasaktan mo ang taong mahal mo.
BINABASA MO ANG
BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)
Adventure(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Husband, now a published book under LIB creatives. Php 209.75. Available at all Precious Pages branches, National Bookstore, Pandayan, Expression and BookSale. Please do grab a copy :) Thank you! "Loving you...
