CHAPTER 30
SUMMER'S POV
Kinarga ako ni Ice pababa ng kotse. Hindi na kami nakapag 'desert' dahil nag insist siya na pumunta na kami sa doctor para makasigurado..nagmamadali nga siya kanina at parang natataranta. Kaya ngayon nandito na kami sa hospital. Sinabi ko naman na pwedeng sa clinic na lang kaso gusto niya daw sa hospital.
Pumasag ako para ibaba niya ako pero hindi niya ako binitawan. Natatawang nakasunod lang samin sila Autumn at Wynd. Naiwan sila Kuya Warren apra bantayan yung mga babies. Tinawagan narin nila sa Mommy at Daddy na siguradong susulpot na lang bigla dito sa hospital maya-maya lang.
"STRETCHER! STRETCHER!"-ice
nanglaki yung mga mata ko at pilit na tinakpan ko yung bibig ni Ice. Inalis niya lang yung kamay ko habang nagsisigaw para humingi ng stretcher.
Humahangos na lumabas yung dalawalang lalaki na may tulak na stretcher. Inihiga ako ni Ice don. Sinubukan kong bumangon ang kaso mukang determinado si Ice na pahagain ako don.
"Ano po bang nangyari Sir? Naaksidente ho ba kayo? nasunugan?"
"Buntis siya!"-ice
"Ho?"
Hindi pinansin ni Ice yung lalaki na napapakamot na lang sa batok niya. Tinulak na ni Ice yung stretcher na parang nakikipagkarera siya.
Nanglaki yung mga mata ko ng makita kong didiretso kami sa delivery room.
"Ice! Hindi pa ko manganganak!"-me
Tumakbo si Wynd papunta samin at iniliko niya yung stretcher..sumakay kami ng elevator. Lumapit si Autumn samin at binatukan si Ice na napasimangot. Nang makarating kami sa kung saang floor dumiretso kami sa room ng ob-gyne na mukang nagulat sa nakitang itsura namin.
"You can leave the stretcher outside."
BINABASA MO ANG
BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)
Adventure(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Husband, now a published book under LIB creatives. Php 209.75. Available at all Precious Pages branches, National Bookstore, Pandayan, Expression and BookSale. Please do grab a copy :) Thank you! "Loving you...
