CHAPTER 9
SUMMER'S POV
Kumurap-kurap ako ng bumangon ako ng umagang yon. Puro tulog lang ang ginawa ko mula kahapon dahil sa little adventure namin sa Hunted House. Sinundo kami ni Daddy kahapon ng umaga at nalaman niya din ang nangyari. Nakakulong na yung mga lalaki na pinatulog namin kahapon.
Lumingon-lingon ako at nagkibit-balikat ng makita kong wala si Ice. Baka nasa labas na yon. Wala pa ako sa mood makipag kulitan sa kaniya dahil kagigising ko lang. Baka makagat ko siya ng wala sa oras.
Naghihikab na tumayo ako at naglakad papunta sa bathroom. Pinihit ko yung door knob at walang babalang pumasok...
...
...
nabuhay ata pati na ang mga tulog pang cells sa katawan ko ng may narinig akong nakakabinging sigaw. Minulat ko ng todo yung mga mata kong half close pa at nakita ko si Ice na nakahubad at tinatakpan ng isang kamay ang dibdib niya na hindi ko alam kung bakit takpan at ang isa pa niyang kamay ay nakatakip sa..
O////O
ibabang bahagi ng katawan niya.
Para siyang mahinhin na binibini na biglang pinasok ng rapist. Inirapan ko siya at inabot ko yung twalya na dapat aabutin niya sana. Ibinato ko yon at natawa ako ng mahina ng tumama yon sa muka niya.
Tumalikod na ako at lumabas pero naramdaman ko na pinigilan niya ako sa braso. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil alam kong hindi niya pa ibinabalabal sa katawan niya yung twalya.
"Sasapakin kita Ice."-me
"Wala naman akong ginagawa ah.....wala pa."
Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Lumunok ako pero hindi parin ako lumilingon sa kaniya..I can feel the electric spark around us..
Masyado pang maaga. Literal at hindi literal.
BINABASA MO ANG
BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)
Macera(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Husband, now a published book under LIB creatives. Php 209.75. Available at all Precious Pages branches, National Bookstore, Pandayan, Expression and BookSale. Please do grab a copy :) Thank you! "Loving you...
