CHAPTER 14 ~ Yours ~

95K 1.4K 115
                                    

CHAPTER 14

SUMMER'S POV

Straight face lang ako habang naglalakad ako. Kasalukuyan kaming nasa mall ni Ice na nagpapacute na nakasunod sakin. Hindi ko na kasi siya pinansin ng bigla ko silang takasan ni daddy na pinagsisigawan sa lahat na buntis ako.

Si Mommy lang ata ang matinong kausap dahil siya lang ang matinong tao na nagtanong sakin kung totoo ba. Nang sinabi ong hindi kinaladkad niya si Daddy paalis habang sinasabi sa mga nadadaanan niya na 'False Alarm'.

After non nag decide ako na mag gala sa mall 'mag-isa'. Ang kaso may makulit na tao na kasalukuyan akong sinusundan ngayon habang nagpapacute at patingin-tingin sakin.

"Baby.."

"Binabawi ko na yung sinasabi ko sayo kanina. Hindi na pala ako naiinlove-"

Bigla siyang humarang sa dinadaanan ko habang saklot-saklot niya yung dibdib niya na parang aatakihin siya sa puso. Nanglaki yung mga mata ko ng bigla siyang naglupasay sa sahig.

Hindi ko alam kung matatawa ako o magagalit sa ginagawa niya. Napailing na lang ako at hinila ko yung tenga niya para mapilitan siyang tumayo.

"Aw!"-ice

"Pasaway."

"Gwapo naman."

I rolled my eyes. Para talagang bata. Nakakahawa ata ang pagiging eccentric ni Daddy at unfortunately si Ice pa ang dinapuan non. Mahina ata ang immune system ni Ice sa kabaliwan.

"Ang gwapo naman nung guy! bagay kami!"

"Hindi! kami ang bagay!"

"Kami!"

BHO: He's My Secret Agent Husband (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon