VERY SPECIAL CHAPTER!!!

3.5K 65 10
                                    

Hi readers! Sorry ngayon ko lang naisipan mag update/i update ito. Tho importante tong chapter na to. Hehe

Actually, dapat EPILOUGE  to eh. Kaya lang nga hindi ko kaagad na update kaya ginawa ko nalang VERY SPECIAL CHAPTER. Haha

Pwede niyo naman pong basahin to kung gusto niyo. Pero kung ayaw ay hindi ko naman po kayo pipilitin. XD

So.. enjoy reading guys! ^__^

+×+×+×+×+×+×+×+×+×+×

×× Vic's POV ××

After 8 months..

"Veymir.. nauuhaw ako!" Niyug-yog ko ang natutulog na si Veymir. "Nuuhaw ako!" Pauli-ulit kong sigaw.

"Hmm.." dahan dahan siyang nag mulat ng mata. Sa totoo lang naaawa ako sa kanya. Ang laki laki ng eye bags niya eh. Tas para pa siyang magkaka sakit.

"Nauuhaw ako, Veymir" Ako. Nginitian ko pa siya para sundin niya ang gusto ko. Hindi naman ako nag kamali..

Ngumiti din siya ng bahagya. Hinalikan niya muna ang noo ko bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Eight months na kaming kasal ni Veymir.. ^__^

Hanggang ngayon ay hindi parin talaga ako makapaniwala. Pakiramdam ko kami parin yung dati. Hahaha. Memories..

Pag pasok ni Veymir ay may dala siyang isang baso ng dugo. Grabe! Uhaw na uhaw talaga ako!

"Ahhhhh!" Sabi ko pagkatapos uminom. Nag burp pa ako kaya natawa saakin si Veymir. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin..

"Hahaha. Wag sisismangot, babe. Papangit niyan si Baby.." haha tama kayo ng basa.

I'm Eight months pregnant. And luckily.. Twins ang anak namin! ^__^

One Boy and One Girl. Hayy ano kayang magandang pangalan para sa dalawang angels namin?

"Correction, Veymir! Ang mga Baby!" Pag tatama ko. Tumawa lang uli siya bago tumabi uli saakin sa Kama.

Itinaas niya ang damit ko at inilapit ang mukha niya. Akala ko ay may balak nanaman itong pahirapan ako kaya sinuntok ko siya!

"Aray! Ang sakit mo parin manuntok, Vic! Bakit mo naman ako sinuntok?!" Veymir

"Hoy lalake! FYI lang. Napapagod din ako, ano!" Ako

Nung una ay namula ang mukha niya. Pero sa huli..

"HAHAHAHAHA! Ang dumi talaga ng utak mo, Vic! Haha-- Aray!" Sinapok ko nga. Makatawa wagas eh =___=

"Subukan mo pang tumawa ilalayo ko sayo mga anak mo" banta ko sa kanya.

Pero syempre hindi ko gagawin yun.. Ang hirap kaya lumaking walang ama! Tsaka masyado kong mahal tong lalaking to.

Nag kunwari siyang nasaktan sa sinabi ko pero alam kong nagbibiro lang siya..

"Wag naman, babe! May plano pa akong gawing apat.. okaya sampu-- Aray! Opo. Tatahimik na po!" Veymir

Ano daw?! Apat?! Sampu?! Ano ako? Insant baby maker? =___________=

Tumalikod ako sa kanya. Kunwari nagtatampo ako syempre!. Tapos humiga na ako pero nakatalikod padin sa kanya..

Narinig ko siyang humagikgik. Napa irap nalang ako..

"Vic naman, eh. Sorry na, oh! Sige tatlo nalang!" Veymir

IGNORE...

"Vicky Babes naman, eh!"

IGNORE-- TEKA?!

"Saan mo galing ang Vicky Babes na yan?!" Ako

"Hahaha. Akin nalang yun, babes. Yehey! Bati na kami!"

Niyakap niya ako at hinalik halikan sa pisnge. Napangiti nalang ako. Juice colored! Ang bait ko namang anak para mag karoon ng gabitong biyaya! Haha

♥♥♥

After 1 month

"Wahhhhhh!" Napuno ng iyak ang buong kwarto. Sa wakas.. nanganak na din ako..

N-nanay na ako..

"Tatay na ako!" Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Veymir sa labas ng kwarto.

"Dalawang malulusog na mga batang bampira" nakangiting sabi ni Mira. Ang nagpaanak saakin. Isa siyang bampirang doctor..

"P-pwede ko ba silang hawakan?" Kinakabahan kong tanong. Ngumiti ai doc bago i abot saakin ng nurse ang anak kong lalaki.

"Ano pong ipapangalan niyo sa kanya Reyna Vic?" Doc

Ano nga ba?..

"Pwede ba ang.. Prince Vector?" Ako

Tumango saakin si Doc at sinulat sa isang papel ang pangalang sinabi ko.

Prince Vector..

What a nice name..

Nasa ganoon kaming itwasyon ng pumasok si Veymir sa kwarto at may malaking ngiti sa kanyang labi..

"Victoria!" Lumapit siya sa kinaroroonan namin. Tumingin siya sa batang hawak ko..

"P-pwede ko ba siyang hawakan?" Kinakabang tanong niya. Ngumiti ako at inabot sa kanya ang anak namin.

"Anong pangalan niya?" Tanong saakin ni Veymir pagka hawak niya kay Prince Vector.

"Prince Vector.. Eh ikaw naman. Ano ang gusto mong ipangalan sa babae nating anak?" Ako

Saglit na nag isip si Veymir. "Ahhhh! Alam ko na! Veronica! Princess Veronica ang gus--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay biglang bumukas ang pintuan.

"Doc Mira!" Tawag ng isang nurse. Lumapit siya kay Doc at may binong dito..

Ng tumingin silang dalawa saamin ay puno ng takot ang kanilang mga mata. Pero.. Bakit?

"Q-queen.. *gulp* Queen Victoria" nagawang mag salita ni Doc. Kiabahan ako sa tono ng boses niya..

Bakit ako kinakabahan?..

May masama bang nangyari?..

"Ano yun?" Veymir

Ilang beses pa siyang lumunok bago masabi ang dapat sabihin. Pero nag sisi pa akong narinig ko..

"Wala na po si P-Princess Veronica.." Doc

Yun lang ang narinig ko bago nagdilim ang paligid..

+×+×+×+×+×+×+×+×+×+×+×+

Wooh yeah! Naka pag update kahit puyat na at pumipikit na ang mata! Yehes! Haha

Eto na po talaga ang last Chapter ng Vampire Princess.. Pramis! Walang halong shabu! Hehe

So thanks for reading my story at sana mabasa niyo din ang Vampire Prince. Book two po siya ng Vampire Princess..

Once again. Thank you and God bless you All! ^_____^

~JEYCEE

Vampire Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon