VP ~ 14

3.2K 89 0
                                    

×× Victoria ××

Dalawang Linggo na ang dumaan pero wala pa rin sina Mama, Papa, Tito Vix at Lola.. Akala ko ba saglit lang sila? Ang tagal na nilang wala!

Hindi lang ako yung nag-aalala pati sina Kuya at Veymir.. Haha bati na kami kasi hindi daw nila ako matiis ;) hehe

"Hayy ano ba yan! Ang tagal naman nilang bumisita! Dalawang linggo?" Tanong ko sa sarili ko..

"Mahal na Prinsesa" rinig kong tawag ng isa sa mga alagad ni Papa.. tinanong ko kung ano yun pero may binigay lang siyang sulat.. galing daw sa Hari ng pangalawang mundo..

Nung una ay naexcite ako kasi akala ko natraffic lang sina Mama at nagpadala ng sulat para magsorry pero..

To: Princess Victoria Mercedes

Long time no see My Princess, Do you already miss your family? Hahaha Well then.. Magkita tayo sa likod ng palasyo niyo, 11 p.m. Wear your Mom's Wedding Dress. Ikaw lang mag-isa. Wala kang ibang dadalhin kundi ang sarili mo. Pag hindi ka sumunod mamamatay pamilya mo..

From: Vincent Marcos

Vincent Marcos? Who the fudge? Anong gagawin ko?

Pag hindi ako sumunod mamamatay sina Mama. Pag pinagsabi ko mamamtay padin sila.. anong gagawin ko? >__

Wear your Mom's Wedding Dress.. ano kinalaman ng Wedding Dress ni Mama?

*tingin sa oras* 9:57 p.m

Wala na akong Choice.. Pumasok na ako sa kwarto ko at nag-ayos.. kinuha ko na din ang Dress ng Mama ko mula sa kwarto nila ni Dad..

10:45 p.m

Maaga pa pero andito na ako sa may likod ng palasyo.. suot ko yung suot ni Mama noong kinasal sila ni Papa. Ang cute! Bagay saakin pramis! ^__^

"My Princess.. Glad to see you. Ang aga ah excited ka na ba?" Kinilabutan ako sa tono palang ng pananalita niya.. kilala ko to..

"Vlood" mahinang usal ko.. nanghihina yung tuhod ko kaya muntik na akong matumba pero nasalo niya ako.. lumapit siya saakin atsaka bumulong..

"Hindi na ako si Vlood.. Nice to meet you My Princess. I'm Vincent Marcos.." bulong niya bago pa nandilim ang paligid..

♥♥♥

×× Veymir ××

"Huy! Ano ginagawa mo sa labas ng kwarto ni Vic?" Tanong saakin ni Velcro..

"Kanina pa kasi ako katok ng katok pero wala man sumasagot o nagbubukas ng pintuan.."

"Baka wala siya diyan?" Imposible.. nakita ko pa--

"Ano ginagawa niyo sa labas ng kwarto ko?" Napatingin kami ni Velcro sa nagsalita.. Si Victoria. Hayy salamat naman akala ko napano na siya..

"Nandiyan ka lang pala Vic eh! Kanina pa naghihintay sa labas tong lover boy oh!" Tinignan ko naman ng masama si Velcro.. ng tumingin ako ulit kay Vic.. parang may kakaiba. Nawala na yun sparks sa paligid T^T

Baka hindi na niya ako gusto? Nooo! Hindi pwede mamamatay ako TT__TT

"Hahaha Sensya na. Nga pala pauwi na daw sina Mama at Papa" nakangiting sabi niya.. Whew buti naman! Hindi na ako masyadong nagaalala..

"Veymir.." tawag niya saakin.. "Pag sinagot kita.. Magiging loyal ka ba?" Out of the blue na tanong niya! Parang nailang ako pero siyempre magiging honest ako..

"Oo naman.. Ikaw pa Victoria. Wala na akong ibang minahal.. minamahal.. at mamahalin bukod sayo.." sabi ko at ngumiti naman siya..

"Ehem ..Korni ..Ehem Haha Pfft" panira talaga ng moment tong lalaking to eh ano? -__-

Vampire Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon