×× Someone's POV ××
Ang ganda niya. Pagkakita ko palang sa kanya na inlove na agad ako.
Paano ko nalaman? Ganito lang naman...
● Simula ng makita ko siya. Siya at siya nalang laging nasa isip ko.
● Pagkatapos ng Aksidenteng nangyari sa kanya na ako ang may gawa. Hindi ko mapigilang hindi siya makita pero hindi pwede eh. Nasa magkaiba kaming mundo.
Ang kaso nga lang...
Hindi kami pwede
Dahil normal na tao siya at ako ay... IBA...
×× Kuya Pogi's POV ××
Ako nga pala si Rayran Zamora. Isang istudyante sa isang malaking unibersidad.
Naglalakad ako papunta sana sa Mall ng may humarang saakin na tatlong pangit na lalaki.
Hinihingi nila saakin yung pera ko at cellphone ko. Huh! Sino namang uto utong susunod sa kanila?
"Hep hep hep! Not so fast hehehe" bata
Hinawakan niya yung lalaki sa wrist at sinipa ang isa pa kaya natumba ito sa isa pa. Gets?
Dahil sa bigla at pagkamangha. Natulala nalang ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari
"Pakielamera kang bata ka ah!" Sigaw ng isang panget
"Hindi naman. Nakakaenjoy lang to hihihi" bata
"Aba't babae pala to mga pre! Paano kayo kinaya niyan!" P1
Ng matauhan ako ay nakalampaso na sa sahig ang mga pangit at papalapit na sakin yung bata.
"Hi po Kuya Pogi! Hehehe andaya niyo naman!" Bata
"A-anong madaya? S-sino ka?" Ako
"Hehehe Hindi niyo kasi ako vinedio kuya eh. Tsaka Victoria nga pala!" Bata
"A-ahh sige. Alis na ako" at tumakbo na ako papaalis. Kakaiba yung batang yun. Kasama ba yun sa mga gangster? Ewan pero mas malakas pa ata sakin eh >_
×× Vic's POV ××
-- Kinabukasan --
"Lola! Gutom na ako!!!" Ako
"Heh! Magligpit ka muna ng pinaghigaan mo! Kahit kailan ikaw talagang bata ka!" Lola
Sabi ko nga eh magliligpit na. Nakakatakot si Lola. Lagi niya akong napapasunod ngayon alam ko na kung kanino nagmana ang tatay...
Hay si Tatay. Matagal nang nawala si Tatay. Namatay siya dahil sa hindi maipaliwanag sa sakit? Ewan yun lang ang sinabi sakin ng nanay eh.
"Ano ulam natin Lola?" Ako
"Heto oh. Kumain ka na muna ng itlog, hotdog at bacon. Mag tinapay ka na din. Gusto mo ba ng kape?" Lola
"Oo naman lola. Hehehe" ako. Kumain na ako ng kumain. Hanggang sa...
"Aray ko!" Ako
"Oh napano ka apo?" Lola
Bigla nalang ako napaso ng matamaan ako ng sinag ng araw. Ang sakit non ah T_T
"Ahh wala po Lola. Hehehe OA lang ako ngayon" ako
"Jus cong bata ka! Akala ko napano ka na!" Lola
"Hehehe sarreh lola" ako
Umisod ako ng konti para hindi masinagan ng araw. Ang sakit non ah. Huhuhu bakit ganon? Ano na bang nangyayari sakin?
*snif* *snif*

BINABASA MO ANG
Vampire Princess (Completed)
Vampiros● _ ● N-nasaan ako? Bakit ang dilim dito? Wahhhh! Baka mamaya may aswang dito? Huhuhu T_T Bumangon ako mula sa isang napakalaking kama! Woah~ ang yaman naman pala ng may-ari nitong haunted house na to. Hahaha favourite color niya pa black. Parehas k...