×× 3rd Person ××
"Tara na" pinuntahan ni Velcro sina Veymir at Vix na naghihintay sa labas ng palasyo..
"Walang masyadong nagbabantay ngayon dahil lahat sila ay hinahanap si Verline sa labas ng palasyo.." paliwanag ni Velcro..
Pumasok na sila sa loob ng palasyo at dumiretso sa kwarto kung nasaan ang hari..
"Kayo!" Turo ni Velcro sa lahat ng mga gwardyang nagbabantay sa hari.. "Lumabas muna kayo dahil may importanteng sasabihin ako sa hari.." uto niya na sinunod naman ng mga gwardya..
Uto uto pala mga to eh.. hihihi - naisip ni Veymir..
"Ano ang sasabihin mong importante Velcro?" Tanong ng hari..
"Patawarin niyo po ako sa aking gagawin mahal na hari.." pagpapaumanhin ni Velcro.. Agad tinali ni Vix ang hari at piniringan naman ni Veymir.
"Teka! Velcro! Ano ang ibig sabihin neto? Alam mo ba ang ginagawa mo?" Hari..
"Para po ito sa ikabubuti ng lahat Mahal na hari.." at kinulong nila ang hari sa katabing kwarto..
BOOOOGSH!
Nabigla ang lahat ng biglang bumukas ng sobrang lakas ang pinto.. At dumating nga sina Verline, Vlood, at ang mga gwardyang kasama nila.. hawak ng mga gwardya sina Victoria, Eliza at Zaida.. pareparehas silang nakatali ang katawan..
"Bwahahahahaha.. akala niyo ba maloloko niyo ako? Pwes nagkakamali kayo!" Sigaw niya ng malakas.. "Huliin sila!" Utos niya sa mga gwardya..
"Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito!?" Galit na tanong ng hari sa kanilang lahat.. tinanggal na ng mga gwardya ang tali at piring neto..
Nagulat si Victoria at Zaida ng makita ang mukha ng hari.. hindi nila inaasahan na si Van pala ito..
"Mahal na Hari.. sila po ang mga traydor na balak patayin kayo!" Pagtutukoy ni Verline kayna Victoria, Eliza, Zaida, Velcro, Veymir, at Vix.
Hindi ito pinansin ng hari at umupo lang ito.. gaya ng hari umupo din si Verline at Vlood sa tig-isang upuan na katabi ng hari..
"Van! Van! Nakikilala mo ba ako? Van! Gumising ka nga!" Sigaw ni Zaida.. Agad naman siyang pinalo ng latigo ng mga alagad ni Verline dahilan para matahimik silang lahat..
"Yan ang napapala ng mga madadaldal.. hahaha" Verline.. Nakatitiglang ang hari kay Zaida ng ilang minuto ng biglang..
"Argh!!" Napasigaw ang hari biglang pagsakit ng ulo niya.. lahat ng mga gwardya at alagad ng hari ay nataranta.. pati narin si Verline
"Anong tinatayo tayo niyo diyan!? Mga walang silbing alagad! Dalhin niyo siya sa kwarto niya!" Utos ni Verline sa mga lagad ng hari.. sumunod si Verline sa kanila pero naghabilin muna siya..
"Wala kayong gagawin sa kanila hanggat walang sinasabi ang hari! Maliwanag!?" At lumabas na siya ng kwarto..
Lahat sila tahimik.. nag-iisip.. malapit na silang mawalan ng pag-asa..
"Hahahahahahaha" naagaw ni Vlood ang atensyon ng lahat dahil sa biglang pagtawa niya..
"Napaka gandang palabas.." sabi pa niya at umupo sa mismong upuan ng Hari.. "Malapit na.. konti nalang at akin na ang palasyong to! Bwahahaha" lahat ay nakikinig lang sa kanya..
Nangibabaw ang katahimikan ..ng biglang nagsalita si Veymir..
"Queen Eliza.. Queen Zaida.. patawarin niyo ako.. hindi ko naprotektahan si Victoria.." Veymir
"Wala kang kasalanan sa nangyayari kaya wag kang humingi ng tawad Veymir.. ginawa mo lahat ng makakaya mo.." Zaida
Nakikinig lang si Vlood sa kanila ng mapadpad ang paningin niya kay Velcro..
BINABASA MO ANG
Vampire Princess (Completed)
Vampire● _ ● N-nasaan ako? Bakit ang dilim dito? Wahhhh! Baka mamaya may aswang dito? Huhuhu T_T Bumangon ako mula sa isang napakalaking kama! Woah~ ang yaman naman pala ng may-ari nitong haunted house na to. Hahaha favourite color niya pa black. Parehas k...
