×× Veymir's POV ××
"Veymir! May naghahanap sayo sa labas ng palasyo!" Sigaw ng kaibigan kong si Von.
Tumingin ako sa bintana at may nakita akong dalawang babaeng nakatakip ang mga mukha.. mukhang kinakausap nila ang gwardya..
"Tss.. sino naman kaya yun?" Bulong ko at lumabas para makita sila.. tulad nga ng sinabi ko pinapaalis sila ng gwardya pero pinagpipilitan nilang makita ako..
"Ako na bahala dito.." sabi ko kaya natigil silang lahat..
"Anong kailangan niyo?" Tanong ko sa kanila.. pero hinila nila ako palayo sa gwardya.. matagal bago sila sumagot.
Ano ba kailangan nila at lumayo pa kami sa gwardya?
"Veymir.." pabulong na sabi ng isa at tinanggal ang takip ng mukha niya..
Ng mamukhaan ko siya.. "Quee--" hindi ko natuloy dahil tinakpan agad niya ang bibig ko..
"Shhhh.. ikaw talaga bata! Maingay ka pa din.." sabi ni Queen Zaida.. tinanggal na din ng kasama niya ang Takip sa mukha kaya mas lalong nanlaki mata ko!.. Buhay sila!?
"A-akala n-namin patay na k-kayo?" Nauutal kong tanong.. simula ng namuno ang bagong hari ay bumalita sa buong palasyo ang pagkamatay nila..
"Veymir.. kailangan ka namin" Queen Zaida.. Si Queen Eliza ay tahimik lang na nakikinig saamin..
"Bakit po?"
"Si Victoria.." parang napintig ang tenga ko pagkarinig ko sa pangalan niya.. V-Victoria..
"Nasaan po si Victoria? Buhay po siya?"
"Haha Oo naman.. buhay na buhay siya.. Pero delikado ang buhay niya.." delikado? Bakit?
"Kita mo yung mga gwardyang yan?" Turo ni Queen Eliza sa mga gwardyang nakatingin saamin? "Pinaghihinalaan na nila tayo ngayon.. kaya" tumingin siya saakin..
"Mamaya ay huhuliin na nila kami.." mahinang sabi niya.. bakit naman nila huhuliin ang reyna? Hindi pwede!
"Hindi ako papayag! Kailangan malaman ito ng buong Clan!" Ako
"Hindi muna sa ngayon Veymir.. At wala rin kaming magagawa dahil ordinaryong tao nalang kami ni Zaida.." Queen Eliza
"P-pero.. sino na ang maglilitas kay Victoria!?"
"Ikaw Veymir! Ikaw ang inaasahan namin! Nasayo ang tiwala namin ni Mama! Kaya wag mo kaming bibiguin.." Queen Zaida
"Magiging maayos lang kami Veymir.. basta ipangako mo.. sa akin at kay Zaida.. na proprotektahan mo si Vic"
Ako ang poprotekta kay Victoria?
'Ikaw Veymir! Ikaw ang inaasahan namin! Nasayo ang tiwala namin ni Mama! Kaya wag mo kaming bibiguin..'
"Opo Queen Eliza at Queen Zaida.. ipinapangako kong.. Proprotektahan ko si Victoria!"
"Haha at pinapangako ko.. Pag nagawa mo yan ay may malaki kang premyo sa akin!" Sabay kindat ni Queen Zaida.. Ehh?? Anong premyo ko galing sa kanya??
"Zaida! Kailangan na nating umalis.." Sabi ni Queen Eliza pero bago sila umalis ay yinakap muna ako ni Queen Zaida..
"Ang anak ko Vaymir.. Si Victoria.. ikaw na ang bahala.." sabi niya at tuluyan na silang umalis..
Habang naglalakad ako sa palasyo ay nagiisip padin ako.. paano ko mapoprotektahan si Victoria? Hindi ko rin alam kung nasaan siya?
"Ayyy ang T*nga mo Veymir! Bakit kasi hindi tinanong! Engot!" Sabi ko sa sarili ko.. Hayy nako!!
BINABASA MO ANG
Vampire Princess (Completed)
Vampiros● _ ● N-nasaan ako? Bakit ang dilim dito? Wahhhh! Baka mamaya may aswang dito? Huhuhu T_T Bumangon ako mula sa isang napakalaking kama! Woah~ ang yaman naman pala ng may-ari nitong haunted house na to. Hahaha favourite color niya pa black. Parehas k...