VP ~ 10

3.6K 89 0
                                        


×× Eliza's POV ××

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Verline at nakatali parin ang kamay namin ni Da pero wala ng takip ang binig namin..

Ang kwartong gamit ni Verline ay ang kwarto dati ni Victoria dito sa palasyo..

Sinadya naming magpahuli para dalhin kami sa tinuturing nilang hari.. ayon sa mga nakausap naming bampira kaninang umaga ay wala pa daw nakakakita sa itsura ng hari..

Ang alam lang nila ay ang pangalan nito..

Vines Mercedes...

"La.. Tangin niyo? Sino kaya yung hari?" Zaida

"Ewan ko Da.. Ewan ko.." sagot ko.. wala talaga akong ideya..

"Ano ng plano mo La?"

"Malalaman mo din Da.. pagnakalapit na tayo sa hari" kung sa kali man na tama ang iniisip ko.. Vines Mercedes .. Sana tama nga ang iniisip ko..

Tumingin ako sa kamay niya.. salamat at suot niya pa..

"Hello sa inyo!" Masayang bati ni Verline na kinainis ko.. at tumingin din sa kasama niya.. isa kang Taksil!

"Hahaha wag kayong mag-alala hindi pa kayo mamamatay hanggat hindi namamatay si Princess.. Victoria.. Mercedes.. hahaha" tumawa pa siya ng malakas at ngumisi ng pang-asar.. hinatayin mo lang talaga Verline..

×× Vic's POV ××

Naglalakad kami ngayon sa.. hindi ko alam kung nasaan na kami! -___-

"Ang sakit na ng paa ko!!" Reklamo ko kay Veymir.. kanina pa kami naglalakad eh T^T

"Haha hindi mo na kaya maglakad?" Veymir

"Kaya pa naman.. pero masakit na paa ko eh.." nagulat ako ng bigla siyang umupo sa harapan ko..

"Sakay!" Sabi niya.. syempre.. sino ba naman ako para magpakipot! Hehehe ^__^

"Yehey!! Goo Veymir! Tara na." Sigaw ko pagkasakay sa likod niya.. Aww ang sweet naman hihihi

Pagkatapos ng ilang minuto pang paglalakad.. may nakita akong isang maliit na kubo.. wow boy scout ata tong si Veymir eh. Laging handa! Haha

"Nandito na tayo.." sabi niya kaya bumaba na ako sa likod niya at pumasok na kami sa loob ng kubo..

"Ohh Veym--" natigilan ang lalaki ng makita niya ako.. sino to? Kamukha niya si Papa?

"Ahhh King Vix.. si Victoria po" pakilala sakin ni Veymir..

Mas lalo pa akong tinitigan ni King Vix 'daw'? Tapos biglang ngumiti? >__>

"Victoria!" Sigaw niya sabay yakap sakin ng sobrang higpit! Ehhhh!?

>___

"King Vix.. Hindi ko po kayo masyadong kilala eh.. pero alam ko ho na Tito ko kayo?" Takang tanong ko..

Ng una ay nabigla siya pero binawi din niya agad at ngumiti..

"Haha I see.. Veymir. Paano mo naligtas ang prinsesa?" Tito Vix

"Tinulungan ho ako ni Velcro King Vix" tumango tango naman si Tito..

"Haha Ganoon ba? O siya sige.. mukhang napagod kayo ah? Magpahinga na muna kayo.." sabi ni Tito.. Hinatid ako ni Veymir sa isang kwarto at doon ako nagpahinga..

×× Veymir's POV ××

Kanina ko pa napapansing kakaiba ang kilos ni King Vix.. Lagi siyang tumitingin sa labas.. parang may hinihintay..

"King Vix.. May problema po ba?" Tanong ko.. umiling naman siya saakin at pumasok na ulit ng bahay..

"Walang problema.. Magpahinga ka na Veymir.. bukas na bukas.. susugod tayo sa palasyo.."

Napakunot ang noo ko sa narinig ko.. Kami? Susugod sa palasyo? Paano yun? Tss..

"Mapapahamak si Victoria King Vix.. Paniguradong hinahanap na siya ng mga alagad ni Verline ngayon!"

"Haha Its good to know na pinoprotektahan mo ang pamangkin ko.. Wag kang mag-alala walang mangyayaring masama sa kanya.." sabi niya at lumabas na siya ng tuluyan.. saan naman pupunta yun?

Dahil wala na rin si King Vix pumasok nalang ako sa kwarto ni Victoria at naupo sa tabi niya..

"Princess Victoria Mercedes.. Alam mo bang mahal padin kita kahit ng wala ka? At nung mga taong walang nagpakita ni anino mo.. hindi ako nawalan ng pag-asa na.. isang araw babalik ka din.. at tutuparin mo ang pangako mo.." napangiti nalang ako ng mapait..

Malabo ng matupad ang pangakong napako.. nakalimutan nga niya ako eh.. yung pangaka pa kaya? Ha-ha

Flashback

"Veymir! Aalis na kami bukas!" Malungkot na sabi ni Victoria saakin.. nandito kami sa tambayan namin sa likod ng palasyo..

"Saan kayo pupunta Victoria? Sama nalang ako!" Sabi ko naman..

"Hindi pwede eh.. Pupunta kami sa kabilang mundo.."

"Paano na yan? Edi hindi na kita makakasama?"

"Wag kang magalala Veymir! Paglaki ko at ako na ang namuno bilang Reyna.. Sasabihin ko kay Papa na ikakasal tayo!"

Nagulat ako sa sinabi niyang yon.. Ikakasal kami?

"Ikakasal tayo Victoria? T-totoo ba yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko.. tumingin siya saakin at binigyan ako ng matamis na ngiti..

"Oo naman Veymir! Ikaw lang gusto kong makasama buong buhay ko.."

Shet! Ako pa ata ang kinikilig sa sinasabi ni Victoria eh.. Wag mo ipakitang kinikilig ka Veymir! Pagkakamalan ka niyang Bakla! -__-

"Pero.. ipangako mo din saakin.. Na maghihintay ka kahit na gaano katagal!.. Pangako?" Tumingin siya sa mata ko at hinihintay ang sagot ko..

"Pangako!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.. "Mamimiss kita Victoria.. wag mo akong kakalimutan!"

"Haha oo naman! Paano ko makakalimutan ang isang Veymir? Haha"

"Hahaha babalik ka ah? Tutuparin mo pa pangako mo! Pfft"

"Haha oo na nga eh diba? Haha"

End of Flashback

Simula ng araw na iyon.. Na pumunta sa kabilang mundo sina Victoria ay siya namang dumating si Verline at Pinakalat sa buong palasyo ang pagkamatay ng Pamilya Mercedes.. Tsk

-- Kinabukasan --

"Veymir! Veymir!" Rinig kong tawag saakin ni King Vix.. minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siya sa may pintuan..

"Maghanda ka na.. may plano na ako sa pagsugod natin sa palasyo.." napatayo akong wala sa oras pagkarinig noon..

"Eto ang plano.." bago niya sabihin ay sumulyap muna siya sa natutulog na si Victoria.. ang himbing himbing ng tulog niya..

Vampire Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon