VP ~ 12

3.1K 86 0
                                        


×× Verline's POV ××

"Tss.. Kailangan kong gawin to.. maghihiganti ako!"

Flashback

"Papa!" Sigaw ko sa pangalan ni Papa.. hindi ko alam ang gagawin ko dahil natatakot akong lumapit kay Papa..

"Anak.." tawag niya saakin kaya hindi ako nagdalawang isip na lapitan na siya..

"Papa! Anong nangyari!? Bakit kayo duguan?"

"Y-yung mga Bampira.. *hinga* m-mag iingat ka s-sa k-kanila anak.." pagkasabi niya noon ay tuluyan na siyang.. namatay..

"Maghihiganti ako Papa! Ipaghihiganti ko kayo!" Nasabi ko nalang.. galit ako sa mga bampira! Galit ako!

Kumuha ako ng kutsilyo mula sa kusina namin at lumabas ng bahay.. 8 pm na pero nasa labas padin ako ng bahay..

"Wag po!" May narinig akong sigaw ng lalaki sa di kalayuan kaya agad ko itong pinuntahan.. namuo ulit ang galit ko ng makakita ako ng.. Bampira

"Ahhhhh!" Sinisip sip niya yung dugo ng isang lalaki.. dahan dahan akong lumapit at sasaksakin na sana siya pero..

"Hep hep! Muntik na akong masaksak doon bata ah.. hahaha" sani niya at kinuha ang kutsilyo ko at hinagis ito sa malayo..

"May balak kang patayin ako? Pasensya ka na bata.. mauunahan pa ata kita.. hahaha"

"Sige patayin moko kung gusto mo! Yun lang naman ang ginagawa niyong mga bampira diba? Ang pumatay ng inosenteng tao!" Hindi ko na mapigilang hindi lumuha.. Natigilan siya sa sinabi ko at nakapamewang na humarap saakin..

"Bakit moko gustong patayin?" Diretsong tanong niya..

"Dahil pareparehas lang kayong mga bampira! Pumapatay lang kayo ng tao! Inuubos niyo lang dugo namin hanggang sa mamatay kami!"

"Pumapatay ng inosenteng tao pala ah? Eh ikaw?.. bigla mo nalang akong sasaksakin ng wala akong ginagawa sayo?" Natigilan ako sa sinabi niya.. oo nga no? Pero.. pare parehas lang naman sila!

"Masasama kayong mga bampira! Pinatay niyo ang Papa ko! Ipaghihiganti ko siya! Papatayin ko din kayo!"

"Hahahaha nagpapatawa ka bang bata ka?" Natatawang tanong niya.. "Hindi mo kakayanin ang mga bampira! Sa lagay mong yan? Haha pero.. pwede kitang matulungan.." napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun..

"Sa isang condisyon!" Dagdag niya.. ano naman kaya? "Ganito.. Tutulungan kita sa gusto mo.. pero wag mo silang papatayin.. kawawa naman ang mga gwapong lahi namin.. hahaha kung ako sayo gagawin ko silang mga alagad ko.."

Napaisip ako sa sinabi niya.. mga alagad? Oo nga ano? Pag naging under sila saakin.. susundin nila lahat ng iuutos ko..

"At para magawa mo yon.. Kailangan mong mahing Reyna siyempre.."

At doon na nagsimula ang plano at kasunduan namin..

End of Flashback

"Bumalik na tayo sa palasyo.. Tss kailangan ko na silang patayin!" Utos ko sa mga kawal.. pero nagtaka ako ng walang umimik sa kanila..

"Narinig niyo ba ako!?" Inis na sabi ko..

"Huliin niyo ang babaeng yan!" Napatingin ako sa hari dahil bigla siyang dumating..

"Ano pong gina--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan ako sa kamay ng mga alagad ko..

"Alam niyo na gagawin sa kanya.. Si Vlood nasaan siya?" Tanong saakin ni Van.. Tss natatandaan na pala niya ang lahat.. lakas ng epekto ng Zaida na yun sa kanya ah!

Nilingon ko ang paligid pero hindi ko nakita si Vlood.. nasaan na yung pesteng yun? Wag mo sabihing.. pakshet! Tinakasan niya ako..

"Nandito lang po siya kanina.." sabi ng isa sa mga alagad ko.. mga tanga natakasan kayo!

"Ikulong niyo na yang babaeng yan tapos hanapin niyo si Vlood at ikulong din.. Pag nagawa niyo na ang inuutis ko sabihin niyo agad saakin.." utos ni Van at umalis na.. Pesteng Vlood ka! Bakit mo ako tinakasan? Traydor!

♥♥♥

"Pakawalan niyo ako! Si Vlood ang huliin niyo wag ako!" Kanina ko pa pinipilit tumakas pero nakatali ang dalawang kamay ko sa loob ng selda.. Tss bute pinalinis ko to kahapon..

BOOOOGSH!

Napatingin ako sa pintuan ng biglang bukuas ito at pumasok si Vlood!! Bute naman at nagpakita to..

"Hoy Vlood! Dalian mo diyan at pakawalan mo ako!!"

"Hahaha.. at sinong nagsabing papakawalan kita? Diba kasama to sa kasunduan?"

"Anong kasunduan? Ang kasunduan natin pag namatay na ang buong angkan ng Mercedes ay hahayaan mo akong mabuhay at mamuno bilang reyna! Ano sinasabi mong kasunduan?"

"Tsk. Tsk. Tsk.. Ang liit talaga ng mga utak niyo.. yeah ibaligtad mo. Dahil hindi mo napatay ang buong angkan.. Hahaha wala ka palang napatay maski isa.. edi hindi ka na dapat humihinga pa.."

Kinilabutan ako sa sinabi niya.. Papatayin na ba niya ako?

"Ahhhh!" Hindi ko namalayang nakabukas na pala ang selda at sinisipsip na niya ang dugo ko..

"Pero dahil kailangan pa kita.. kailangan mo pa din mabuhay" rinig ko pang bulong niya bago ako mawalan ng malay..

Vampire Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon